• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Football team ng bansa tinalo ang Maldives 4-1

PINAHIYA ng Philippine men’s national football team ang Maldives 4-1 sa third round ng AFC Asian Cup 2027 Qualifiers.
Unang nakapagtala ng goal si Jefferson Tabinas na kaniyang naipasok sa loob ng 15 minuto sa laro na ginanap sa New Clark City Athletics Stadium sa Capas, Tarlac.
Pagkataos ng ilang minuto ay naipasok ni Bjorn Kristensen para makuha ng Pilipinas ang 2-0 na kalamangan sa pagtatapos ng first half.
Pagpasok ng second half ay naipasok ni Ali Fasir ng Maldives ang goal sa loob ng 62 minuto para makuha ang 2-1.
Sa mga sumunod na minuto ay naipasok ni Randy Schneider sa loob ng 77 minuto para makuha ang 3-1 at sa ika-92 minuto ay naipasok ni Sandro Reyes ang huling goal at maiselyo sa 4-1 ang laro.
Hawak na ng Pilipinas ang 1-0 na kalamangan sa Group A kung saan susunod na makakaharap nila ang Tajikistan, Timor-Leste sa double-round robin.
Other News
  • Mahigit 244K katao, naapektuhan ng nagdaang Bagyong Dodong – NDRRMC

    NASA 66,540 pamilya o 244,824 katao ang apektado sa limang rehiyon dahil sa epekto ng habagat at Tropical Depression Dodong, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).     Sa pinakahuling bulletin nito, sinabi ng ahensya na ang bilang na ito ay mas mataas kaysa sa 24,008 pamilya sa update nito noong […]

  • Perez maaring lumipat sa San Miguel Beer

    NAGBUKAS na nitong Lunes, Enero 4 ang trade para sa 12 koponan na mga nagpiprepara para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9.     Ipinahayag ni PBA commissioner Wilfrido Marcial, na pinairan ang moratorium sa trade sapul nang mag-Covid-19 nitong Marso 2020 sa bansa.     At […]

  • Ads February 5, 2021