Fuel Masters sumabit sa quarterfinals
- Published on March 16, 2022
- by @peoplesbalita
INANGKIN ng Phoenix ang huling silya sa quarterfinals matapos lusutan ang NorthPort, 101-98, sa kanilang knockout game sa PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nagtulungan sina RR Garcia at Matthew Wright sa dulo ng final canto para ibigay sa Fuel Masters ang No. 8 ticket sa quarterfinals kaharap ang No. 1 Magnolia Hotshots.
Bukod sa Magnolia, may hawak ding ‘twice-to-beat’ advantage ang No. 2 NLEX, No. 3 TNT at No. 4 Meralco kontra sa No. 7 Alaska, No. 6 Barangay Ginebra at No. 5 San Miguel, ayon sa pagkakasunod.
“We’re just happy to be here. Obviously, we respect Magnolia a lot,” wika ni Phoenix coach Topex Robinson. That’s gonna be a good challenge and we’re just gonna enjoy it.’
Kumolekta si import Duvaughn Maxwell ng 31 points, 12 boards at 5 assists at may 19, 18 at 11 markers sina Garcia, Jason Perkins, Wright at RJ Jazul, ayon sa pagkakasunod.
Bumangon ang Fuel Masters mula sa 15-point deficit sa first period para angkinin ang 100-98 abante mula sa 3-point play ni Wright kay rookie Jamie Malonzo sa huling 29.3 segundo ng fourth quarter.
Ang turnover ng Batang Pier ang nagresulta sa split ni Garcia para sa kanilang 101-98 kalamangan.
Bigo naman sina Artis at Jerrick Balanza sa kanilang mga 3-point attempts sa huling posesyon ng NorthPort.
-
DSWD at DILG inatasan ni PDU30 na pangasiwaan ang pamamahagi ng ayuda sa 1 LGU
INALIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang Local Government Unit (LGU) ang pamamahagi ng cash aid sa nasasakupan nito dahil sa kakulangan sa organisasyon. Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi ay inatasan ng Pangulo ang Department of Interior and Local Govenment (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) […]
-
Marcos nanawagan ng ‘unity’ sa 2023
UMAPELA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Filipino na magkaisa at maging solido bilang isang bansa sa pagharap sa mga darating na pagsubok ngayong taon. Sa mensahe ni Marcos sa pagsalubong sa Bagong Taon, hangad niya na magpatuloy ang pagtutulungan para makamit ang pangarap na magandang kinabukasan para sa lahat. Sinabi pa ng […]
-
Suporta ng US, Japan sa interes ng Pilipinas sa WPS isang tagumpay
NANINIWALA si House Speaker Martin Romualdez na isang tagumpay ang pagbibigay ng katiyakan ng Estados Unidos at Japan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na suportado ng mga ito ang interes at soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Ito ay batay sa inilabas na Joint Vision Statement nina US President Joe Biden, […]