• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fully vaccinated healthcare medical workers, puwede ng mag-avail ng booster shots- Nograles

SIMULA bukas, Nobyembre 17 ay maaari nang mag-avail ng booster shots ang lahat ng fully vaccinated healthcare medical workers.

 

Pinagtibay ni Acting Presidential Spokesperson Cabinet Secretary Karlo Nograles ang public advisory na ipinalabas ng Department of Health (DOH) ukol sa bagay na ito.

 

“Uulitin ko po, para po muna ito sa A1 healthcare workers… Hintayin na lamang po natin ang Guidelines na ilalabas ng National Vaccination Operations Center,” ayon kay Nograles.

 

Base sa Emergency Use Authorization na ipinalabas ng Philippine Food and Drug Administration, inirekomenda ng DOH recommends ang paggamit sa Moderna, Pfizer, at Sinovac vaccines bilang booster doses, kahit na ano pa ang vaccine brand na ginamit bilang primary series.

 

Sa nasabi pa ring virtual press briefing, iniulat naman ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan na ang unang araw ng pilot implementation ng face-to-face classes ay matagumpay.

 

Sinabi ni Usec. Malaluan na kumpiyansa ang DepEd na ang ahensiya ay magagawang magsagawa ng matagumpay na pilot phase preparation para sa pagpapalawig ng expansion phase at reintroduction ng face-to-face classes sa lahat ng eskuwelahan sa buong bansa sa 2022. (Daris Jose)

Other News
  • Estudyante, house keeper at mangingisda huli sa pot-session

    NADAKIP ng mga tauhan ng Maritime Police ang tatlong hinihinalang sangkot sa droga matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu, kabilang ang na-rescueng 15-anyos na estudyante sa Navotas city.   Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) P/Maj. Rommel Sobrido ang mga naaresto na si Jocelyn Labuga, 52, house keeper ng Kadamay St. Market 3 Brgy. […]

  • PBBM, hinikayat ang publiko na magpa- COVID booster bago ang in-person classes

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga pinoy na maghanda para sa pagpapatuloy ng face-to-face classes sa huling buwan ng Agosto.     Sa kanyang lingguhang  vlog, sinabi ng Pangulo na  dapat ay may sapat na proteksyon ang publiko laban COVID-19 bago pa ang inaasahang pagdagsa ng mga estudyante sa mga eskuwelahan.     […]

  • Umano’y pagpasok ng India COVID-19 variant sa bansa, tunay na nakababahala – OCTA

    Magiging malaking problema umano ng Pilipinas kung totoo ang mga ulat na nakapasok na sa bansa ang Indian variant ng coronavirus disease.     Ayon kat OCTA Research fellow Dr. Guido David, malaki ang magiging epekto ng nasabing variant kung kakalt ito sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na lugar dahil hindi raw […]