• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fury napanatili ang WBC world heavyweight belt matapos talunin si Chisora

Napanatili ni Tyson Fury ang kaniyang WBC world heavyweight title matapos talunin si Derek Chisora.

 

 

Hindi hinayaan ng 34-anyos na si Fury na madungisan ang kaniyang unbeaten record sa halos 60,000 katao na nanood sa Tottenham Hotspur Stadium sa London.

 

 

Inihinto na ng referee ang laban matapos makita ang 38-anyos na kapwa British boxer na labis na ito ng nabugbog sa loob ng ika-10 rounds.

 

 

Dominado ni Fury ang laban kung saan desididong makaharap si Oleksandr Usyk.

 

 

Matapos ang laban ay inamin ni Fury na sumakit ang kaniyang kamay at kailangan din na sumailalim sa operasyon ang kaniyang kanang siko na aabot ng hanggang walong linggo bago gumaling. (CARD)

Other News
  • Mga pribadong kumpanya, maaaring makabili ng bakuna laban sa Covid-19

    TINIYAK ng Malakanyang na makabibili ng COVID-19 vaccines ang lahat ng pribadong kumpanya para sa kanilang mga empleyado.   May ilan kasing mambabatas ang nagpahayag ng pag-aalala sa di umano’y plano ng Department of Health (DoH) at National Task Force Against COVID-19 na hadlangan ang mga pribadong kompanya na ang negosyo ay sigarilyo, infant milk […]

  • Higit 6K tradisyunal na jeep sa MM, balik pasada ngayon

    Balik pasada na simula ngayon, Hulyo 3, ang 6,002 tradisyunal na jeep sa Metro Manila makalipas ang mahigit tatlong buwang tigil-operasyon bunsod ng community quarantine sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Base sa guidelines na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tanging ang mga maituturing na “road worthy” traditional jeepneys lamang at […]

  • JULIA, nagsalita na tungkol sa ‘marital problems’ kaya pabalik-balik ng ‘Pinas

    DAHIL pabalik-balik sa Pilipinas si Julia Clarete, nag-assume ang netizens na baka may marital problems ito kaya minsan ay tumatanggap ito ng teleserye.     Sa Malaysia na kasi naka-base si Julia at ang Irish husband niyang si Gareth McGeown. Kasama rin nila ang anak ni Julia na si Sebastian.     Nagsalita na si […]