G7 Nation, magpapataw rin ng mga bagong economic sanctions sa Russia
- Published on April 9, 2022
- by @peoplesbalita
NAGKAISA rin ang Group of Seven industrialized Nation na magpataw pa ng mga panibagong kaparusahan laban sa Russia.
Kaugnay pa rin ito ng mga ginagawang pananalakay ng Russia sa Ukraine na sanhi naman nang pagkasawi ng daan-daang mga sibilyan dito.
Nakasaad sa isang statement na nagkasundo ang G7 leaders na ipagbawal ang anumang bagong investments sa mga pangunahing sekto ng ekonomiya ng Russia, kabilang na ang energy sector.
Bukod dito ay palalawigin rin nito ang export ban sa ilang mga produkto ng Russia, at hihigpitan din ang mga restriksyon na ipinapatupad sa mga Russian banks at state-owned companies.
Target din ng G7 nation na pahinain ang kakayahan ng defense sector ng Russia na ipagpatuloy ang ginagawang digmaan ng Russian military, at gayundin din ang pagpapadaw ng parusa sa mga miyembro ng pamila ng matataas na opisyal ng nasabing bansa na sumusuporta sa ginagawang aksyon ni Russian President Vladimir Putin.
Minamadali na rin nila ang pag-aalis ng kanilang dependency sa Russian oil, lalo na’t kabilang ito sa mga ban na ipatutupad nila upang gipitin ang nasabing bansa.
-
QC RTC Branch 223 pinayagan ng gumamit ang mga buses ng private terminals kahit anong oras
ISANG order ang binaba ng korte sa Quezon City na pinapayagan ang mga kumpanya ng mga buses na gumamit ng kanilang private terminals kahit na anong oras. Ang Quezon City Regional Trial Court Branch 223 ang nagbigay ng order na pinapayagan ang mga provincial buses na magsakay ng mga pasahero sa private […]
-
PBBM, First Lady Liza bibisitahin ang Germany, Czech Republic sa susunod na linggo
NAKATAKDANG lumipad si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong Germany at Czech Republic sa susunod na linggo. Inimbitahan kasi si Pangulong Marcos ni German Chancellor Olaf Scholz para sa Working Visit sa Germany, at ni Czech President Petr Pavel para sa State Visit sa Czech Republic. Ang nasabing back-to-back visits ay […]
-
BEA, gusto sanang makatrabaho si ALDEN sa teleserye dahil ‘di pa matutuloy ang movie pero malabong mangyari
PABALIK na ng bansa ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo, kasama ang boyfriend na si Dominique Roque at back to work na raw siya. Balitang may teleserye siyang gagawin sa GMA Network, at totoo kayang si Alden Richards ang gusto niyang makatrabaho dahil malabo pa raw ang movie na dapat nilang pagtatambalan dahil gusto ng […]