• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GABBI, natupad na ang wish na makasama ang boyfriend na si KHALIL

“ALWAYS proud of you, my love!! Welcome to GMA @TheKhalilRamos.”

 

Ito ang greetings ni Kapuso Global Endorser Gabbi Garcia sa kanyang Instagram bilang sagot sa pag-welcome ng GMA Network na “Welcome our newerst Kapuso @The KhalilRamos,” nang mag-sign ito ng exclusive management contract sa GMA Artist Center last Tuesday, October 13, na makakasama na niya ngayon sa GMA.

 

Si Khalil ang first Kapamilya artist na lumipat sa Kapuso Network sa taong ito.

 

Three years na ring may relasyon sina Gabbi at Khalil na kahit magkaiba silang network, si Khalil ang taga-produce ni Gabbi ng mga videos niya sa kanyang vlog.

 

Thankful si Gabbi na dahil sa mga videos na ginagawa ni Khalil nagugustuhan ito ng kanyang mga subscribers na umabot na ng 1 million-subscriber-mark sa You Tube. Tinawag nga ni Gabbi na ‘one-man prod team’ang boyfriend.

 

Noon, nag-wish si Gabbi na sana raw ay makasama na niya sa GMA Network si Khalil, like sa All-Out Sundays nang mawala nga ang franchise ng ABS-CBN. Mukhang nakarating ito sa GMA at answered prayer ang wish ni Gabbi at nagkaroon ito ng katotohanan.

 

Now na isa nang certified Kapuso, Khalil looks forward to portraying challenging roles that GMA is known for highlighting on screen.

 

Nagpasalamat naman si Khalil sa kanyang bagong management. (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Pangamba ng MMFF producers sa ‘1st day, last day’ showing, pinawi

    Walang dapat ipangamba ang mga producer ng 10 entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.   Ito’y kaugnay sa tila nangyayaring pullout o pag-alis sa mga sinehan sa mga nakalipas na taon, kapag hindi pumapatok sa takilya ang isang MMFF entry.   Ayon kay Dondon Monteverde, ang pinuno ng online streaming na siyang […]

  • ARJO, mukhang tuloy na tuloy na ang pagpasok sa pulitika; nagparamdam na sa District 1 ng QC

    MAY nakita kaming litrato ng isang sasakyan na may pangalan ni Arjo Atayde.     May nakasulat din na pangalan ng isang konsehal sa isang parte ng sasakyan.     Does this mean na tatakbo sa election ang award-winning actor na anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde?     As of now ay tahimik ang kampo ni Arjo […]

  • Mga nasawi sa buong mundo sanhi ng COVID-19, lagpas 3K na

    LAGPAS 3,000 na ang bilang ng mga nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 as of March 2, kasabay ng pagtatala ng 42 pang mga nasawi mula China.   Mula Hubei province ang lahat ng mga bagong nasawi, ayon sa National Health Commission, dahilan para umakyat na sa 2,912 ang mga namatay sa mainland China. […]