Gadon, nanumpa sa bagong posisyon sa harap ni PBBM
- Published on July 12, 2023
- by @peoplesbalita
OPISYAL nang nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon, araw ng Lunes, Hulyo 10.
Kumpiyansa ang Pangulo na malaki ang maitutulong ni Gadon para tugunan ang kahirapan sa bansa.
Sa kabila ng tinanggalan ng Korte Suprema ng lisensiya bilang abogado si Gadon dahil sa pagmumura sa isang mamamahayag, tiwala ang Punong Ehekutibo na magagamit ng una ang kanyang mga naging karanasan at kakayahan para makapag-ambag sa pagsisikap ng pamahalaan na tuldukan ang kahirapan sa Pilipinas.
“Tiwala tayo na ang kanyang karanasan at kakayahan ay makatutulong sa pagtukoy sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan,” ayon kay Pangulong Marcos.
Binigyang diin ng Chief Executive na ang appointment ni Gadon ay kabilang sa mga hakbang ng administrasyon para tugunan ang kahirapan.
“Tuloy-tuloy ang ating mga hakbang upang tuldukan ang kahirapan sa bansa. Bahagi nito ang pagtalaga natin kay G. Larry Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation,” dagdag na wika ng Pangulo.
Matatandaang, noong nakaraang buwan pa itinalaga ni Pangulong Marcos si Gadon sa nasabing posisyon, sabay sabing gagampanan nito ang mahalagang papel nang pagbibigay payo ukol sa estratehiya at polisiya na naglalayong labanan ang kahirapan at paghusayin ang buhay ng mga nabibilang sa “most vulnerable sectors” ng lipunan.
Samantala, sinabi ng Malakanyang na hindi makaaapekto ang estado ni Gadon bilang abogado sa trabaho nito bilang presidential adviser ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)
-
Curry, Warriors ginulat sina LeBron at Lakers sa season opener
Nagtala nang come-from-behind win ang Golden State Warriors upang gulatin ang Los Angeles Lakers, 121-114 sa pagbubukas ng bagong season ng NBA. Dinala ni Stephen Curry ang Warriors gamit ang triple double performance na may 21 points, 10 rebounds at 10 assists upang makarekober ang team at magtala ng unang panalo. […]
-
30% lang ng Pinoys ang gustong magpabakuna
Nasa 30 porsiyento lang ng populasyon ang gustong magpabakuna laban sa COVID-19 kaya balak ng gobyerno na gawing kondisyon sa mga benepisyaryo ng 4Ps ang pagpapabakuna. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isang malaking hamon sa kanila ang mababang porsiyento ng mga gustong magpabakuna. “Iyong mga pag-aaral po nagpapakita na […]
-
Herd immunity sa Metro Manila, kayang makuha kapag umabot na sa 5 milyon ang nabakunahan
KAILANGANG umabot sa limang milyong mga bakunadong taga- Metro Manila para makuha ang inaasam – asam na herd immunity sa NCR. Ayon kay Vaccine czar Secretary Carlito Galvez na base sa kanilang pag- uusap nina MMDA Chairman Benhur Abalos ay nakikita nilang magkakaroon na ng containment sa NCR kapag naabot ang 5 million individual […]