Gaganap na kontrabida sa ‘Pulang Araw’: DENNIS, excited na sa matitinding eksena nila ni ALDEN
- Published on March 23, 2024
- by @peoplesbalita
MARAMI na ang excited at nag-aabang sa pagsasama sa unang pagkakataon sa isang project nina Dennis Trillo at Alden Richards.
In-announce na kabilang si Dennis sa cast ng ‘Pulang Araw’ na upcoming historical drama series ng GMA.
Dito ay gaganap si Dennis bilang kontrabida, isang malupit na sundalong hapon na magpapahirap sa karakter ng mga bida kabilang si Alden.
Lahad ni Dennis, “Excited akong magkaroon kami ng eksena ni Alden, siyempre, siya yung hindi ko pa talaga nakaka-eksena sa mga ganitong drama, ganun.
“Nakatrabaho ko siya sa mga variety shows, pero, ayun excited ako doon, paghahandaan ko ang eksena na ‘yon.”
Happy at excited din si Dennis na makatrabahong muli sa ‘Pulang Araw’ ang kanyang co-stars noon sa ‘Maria Clara at Ibarra’ na sina Barbie Forteza at David Licauco, at si Sanya Lopez na leading lady naman niya sa ‘Cain At Abel.’
“Siyempre excited akong ma-reunite kay David at Barbie, kay Sanya, nakatrabaho ko na rin dati,” wika pa ni Dennis.
Sinabi pa ni Dennis na matagal na niyang hinihintay ang mabigyan ng ganitong klaseng karakter sa isang malaking proyekto.
“Matagal ko na rin hinihintay itong ganitong klaseng project, ganitong kabigat na character ngayon naman as a kontrabida.
“May konting pressure pero mas doon ako sa importansya sa pagkakaroon ko ng challenge bilang artista. Sa rami [na] ng nagawa ko, kailangan ko ng isang mabigat na role na mag-iisip ako at pag-iisipan ko bawat kilos, bawat galaw, bawat dialogue, excited ako sa ganun.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
P293-M halaga ng financial aid naipamahagi sa mga sinalanta ng Bagyong Odette – DSWD
Mahigit 293 million ang halaga ng financial aid na naibigay sa mga komunidad na sinalanta ng Bagyong Odette, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa kanialng report, sinabi ng DSWD-Disaster Response Operations Monitoring and Information Caenter na P293,352,307 halaga ng assistance ang naibigay ng DSWD, local government units, at non-government […]
-
C-Stand, NorthPort malakas – Ravena
KAIBA sa pangkaraniwan ang namamataan ni Ferdinand ‘Bong’ Ravena, Jr., na team-to-beat sa 45th Philippine Basketball Association Philippine (PBA) Cup 2020 na iniurong ang pagbubukas sa Marso 8 mula sa Marso 1. “Actually, NorthPort ‘yung team to watch, eh,” samantaha ng Talk ‘N Text coach na dinahilan si Fil-Germand Christian Standhardinger. “Intact sila and […]
-
NFL Hall of Fame ceremonies kanselado na
Kinansela na ang Professional Football Hall of Fame 2020 induction dahil sa coronavirus pandemic. Gaganapin sana ang nasabing ceremony mula Agosto 5-9. Sinabi ni Hall of Fame CEO David Baker, inalala nila ang kaligtasan ng mga Hall of Famers, fans at volunteers kaya minabuti na nila itong kanselahin. Dagdag pa nito na […]