• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gagawin ang lahat para walang maiwang gutom at mayroong magandang kalidad ng buhay

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mamamayang Filipino na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat upang walang maiwan kahit na isang nagugutom at ine-enjoy ng lahat ang kanilang mas maayos na kalidad ng buhay.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa pagdiriwang ng ika-56 founding anniversary ng lalawigan ng Davao del Sur, sinabi nito na ang  pagbibigay ng  “best services” sa mga mamamayang Filipino ay kanyang paraan para ipaabot ang kanyang pasasalamat para sa tiwala at kumpiyansa sa kanyang administrasyon.

 

 

“With the local government focusing on all aspects of your daily life that we have identified in the national agenda, we can look forward to a boost in local businesses, improved daily transactions, and an overall better quality of life,” ayon sa Pangulo.

 

 

Isa sa mga programa ng gobyero para bawasan ang pagkagutom at kahirapan sa mga pamilyang nabibilang sa “lowest income bracket ay ang “food stamp” program ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Sa isinagawang first en banc meeting ng  National Anti-Poverty Commission (NAPC)  sa Palasyo ng Malakanyang, ipinag-utos ng Pangulo sa mga ahensiya ng pamahalaan na  gamitin ang  whole-of-government approach para labanan ang long-standing problem ng kahirapan sa Pilipinas.

 

 

Tiniyak naman ng Pangulo sa mga mamamayan ang buong suporta ng gobyerno upang masiguro ang tagumpay ng kanilang inisyatiba “and the success of the people and of the province of Davao del Sur.”

 

 

“Muli, uulitin ko ang aking pagpasalamat sa inyong suporta at tulong at pag-alala sa nakaraan,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Huwag sana po kayong magsawa at kami naman ang aming isusukli sa inyong pagmamahal ay ang aming pawis na hindi mauubos hangga’t masasabi natin tapos na ang trabaho, hangga’t masasabi natin wala ng gutom na Pilipino,” dagdag na wika nito.

 

 

Samantala, binigyang diin ng Punong Ehekutibo  na walang hanggan ang kanyang pasasalamat sa mga residente ng  Davao del Sur para sa patuloy na pagmamahal at suporta ng mga ito sa kanya lalo na noong panahon ng  May 2022 presidential elections.

 

 

Inulit naman ng Pangulo ang kanyang panawagan na pagkakaisa.  (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, sumentro sa ekonomiya ang unang cabinet meeting

    SUMENTRO sa isyung pang-ekonomiya ang unang cabinet meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Palasyo ng Malacanang.     Sa naturang pulong, si Vice President Sara Duterte-Carpio ang nanguna sa panalangin.     Hiningi ni Marcos sa kanyang economic team ang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa, bago tinalakay ang iba pang isyu. […]

  • Sec. Roque, handa nang magpaalam bilang tagapagsalita ng Pangulo

    HANDA na si Presidential Spokesperson Harry Roque na magpaalam bilang tagapagsalita ng Pangulo.   Kung si Pangulong Rodrigo Roa Duterte aniya ay ito na ang huling State Of the Nation Address (SONA) ay siya naman ay huling SONA niya rin ito bilang tagapagsalita ng Pangulo.   “At bagama’t ito pong SONA na ito ay …..ito […]

  • Moratorium sa pagmimina, binawi na ni Duterte

    Tinanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinatutupad na moratorium sa pagmimina.     Sa inilabas na Executive Order No. 130 ng Malacañang na pirmado ni Pangulong Duterte kahapon, Abril 14, 2021, nakasaad na maaari nang pumasok muli ang pamahalaan sa bagong mineral agreements alinsunod sa Philippine Mining Act of 1995 at iba pang mga […]