• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Galaw ng monster ship mahigpit na binabantayan at sinusundan ng PCG – NSC

TINIYAK ng National Security Council (NSC) na tatapatan ng karampatang aksyon ng Pilipinas sa oras na gumawa ng anumang provocative action ang namataang  monster ship ng China sa karagatan malapit sa Zambales.
Ayon kay NSC Assistant Girector-General Jonathan Malaya na hindi pinababayaan at patuloy na sinusundan at minamanmanan ang galaw ng ng Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines (AFP)  sa Chinese coast guard 5901 vessel.
Dagdag pa ni Malaya, mahigpit din mino monitor ito ng Task Force North at National Task Force for the West Philippine Sea.
Patuloy din na binibigyan ng challenge ng ating mga otoridad ang Chinese vessel at binibigyang-diin na sila nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas at mali ang kanilang iginigiit na nagsasawa sila ng patrolya sa kanilang area of jurisdiction.
Naniniwala naman si Malaya na ang ginagawa ng China ay isang uri ng intimidation, coercion, deception, at agression kung saan ipinapakita nilang may ganito silang barko upang takutin ang mga mangingisda.
Dagdag pa ni Malaya na sa ngayon wala silang na monitor na nagsagawa ng pangha-harang at delikadong maneuvers ang Chinese monster ship.
Pinayuhan naman ng pamahalaan ang mangingisda sa lugar na ipagpatulong lamang ang kanilang pagpalaot at nakasuporta sa kanila ang gobyerno. (Daris Jose)
Other News
  • VIN at SOPHIE, in-announce na engaged at magkaka-anak na

    PAGKATAPOS ng eight years bilang couple, inihayag na nina Vin Abrenica at Sophie Albert, na engaged na sila to be married.      Two months ago nang mag-propose si Vin kay Sophie, at last Saturday, February 13, nag-announce sila pareho sa kani-kanilang Instagram account, na engaged na sila, kasama ang kanilang prenup photos.     […]

  • DOH: Bagong COVID-19 cases sa PH, 3,564; total count, 342,816

    AABOT sa mahigit 3,000 bagong kaso ng COVID- 19 ang nadagdag sa listahan ng Department of Health (DOH).   Ngayong araw, 3,564 ang additional cases, kaya umakyat pa ang total sa 342,816.   Ayon sa ahensya, 13 laboratoryo ang bigong mag-sumite ng kanilang report sa COVID-19 Data Repository System.   Mula sa mga bagong kaso […]

  • Kaabang-abang ang next vlogs dahil may special guests: SHARON, ipinasilip ang nakare-relax na farmhouse nila sa Cavite

    IPINASILIP ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang mga tagahanga ang kanilang farmhouse sa Cavite, na kung saan doon daw nila karaniwang sinasalubong ang Bagong Taon.     Ayon sa Megastar ang naturang farmhouse ay nagsisilbing nilang santuwaryo mula sa mga stress sa work at city life.     “I love this house because it’s very […]