• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Galvez, humingi ng paumanhin sa publiko dahil sa vaccination delay sa ilang LGUs

HUMINGI ng paumahin si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa publiko dahil sa vaccination delay sa ilang local government units (LGUs) bunsod ng kakulangan ng suplay ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Tiniyak ni Galvez sa publiko na magiging normal ang sitwasyon sa Hunyo 14.

 

Ani Galvez, nagkaroon ng problema matapos na magkaubusan ng suplay ng bakuna. Idagdag pa ang demand para sa bakuna ay “high across the globe.”

 

Kamakailan ay sinabi ni Galvez na tinatayang may 10 milyong doses ang inaasahan na darating sa bansa ngayong buwan habang 11 milyon naman ang inaasahan na darating sa buwan ng Hulyo.

 

Gayunman, ang mga lalawigan sa labas ng National Capital Region Plus — na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna —ay prayoridad dahil sa mataas na COVID-19 cases.

 

Ani Galvez, may 60% ng bakuna na darating ngayong buwan ng Hunyo ang ibibigay sa mga lalawigan habang 40% ang inilaan para sa NCR Plus. (Daris Jose)

Other News
  • Pacquiao may ‘pasabog’ bago lumipad pa-Amerika

    Bago magtungo sa Amerika para ituloy ang pagsasanay sa boksing, may pasabog muna si Sen. Manny Pacquiao laban sa administrasyong Duterte.     Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, na ibinahagi sa kanila ni Senate President Tito Sotto ang pahayag ni Pacquiao na may ibubunyag sa media sa Sabado tungkol sa umano’y korupsyon sa pamahalaan.   […]

  • ANJO, na-diagnose with depression and severe anxiety sa panahon ng pandemic

    KINUWENTO ng Kapuso hunk na si Anjo Damiles na na-diagnose with depression and severe anxiety sa panahon ng pandemic.     Ayon kay Anjo: “Ang hirap i-explain when it comes to mental health… suddenly it breaks you down. May point ako na nag-snap na lang po ako. Nawala ako sa tamang pag-iisip and it was sad to […]

  • Ads September 9, 2020