Galvez, ipinanukala ang pagbabakuna laban sa covid 19 sa mga kabataang may edad na 12 hanggang 17 sa kalagitnaan ng Oktubre
- Published on September 24, 2021
- by @peoplesbalita
IPINANUKALA ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang pagbabakuna sa mga menor de edad o 12 hanggang 17 taong gulang laban sa COVID-19 na magsisimula sa kalagitnaan ng Oktubre.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules, sinabi ni Galvez na ang gobyerno ng Pilipinas ay mayroong 23.75 milyong bakuna na naka- stock habang may karadagang 20 milyon naman ang inaasahan na darating sa bansa sa unang linggo ng Oktubre.
“We are proposing to open the vaccination for children by mid October, kasi by mid October may additional pa tayong 20 million na dadating plus ‘yung 23 million, kayang-kaya na natin ma-vaccinate ‘yung 12 million na bata, na 12 to 17,” ayon kay Galvez.
“Pero ang recommendation natin, mauna muna po ‘yung may comorbidities atsaka po ‘yung mga anak po ng mga healthcare workers,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang, nito lamang Setyembre 19, inaprubahan ng panel of experts ng pamahalaan ang pagbabakuna ng COVID-19 para sa mga kabataan.
Aniya, nakararanas ngayon ang bansa ng “saturation point’ sa National Capital Region at iba pang lungsod.
“Meaning parang nag mi-meet na po ‘yung demand at saka ‘yung supply. Meaning kailangan na natin mag-open ng other sectors,” anito.
Nauna rito, sinabi ni Galvez na nakatakdang magsimula ang pamahalaan ng pagbabakuna sa general public sa susunod na buwan.
“By November po, or even earlier, pwede na po nating i-open ang general public,” ani Galvez. (Daris Jose)
-
Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, kinilala ang mga LGU at indibidwal sa larangan ng nutrisyon
LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang isa sa People’s Agenda 10 ni Gobernador Daniel R. Fernando, naging episyente at epektibo ang pagpapatupad ng universal health care o kalusugan para sa lahat kung kaya naman kinilala ang mga natatanging lokal na pamahalaan at ilang indibidwal sa larangan ng nutrisyon kasabay ng panapos na gawain para sa ika-48 […]
-
Halos P.2M droga nasabat sa Malabon, Navotas drug bust
HALOS P.2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya sa apat na hinihinalang drug personalities na naaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities. Sa report ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito, alas-11:30 ng gabi nang ikasa […]
-
Gobyerno, kailangan na magpalabas ng guidelines para sa COVID-19 home test kits sa lalong madaling panahon
NANAWAGAN si Vice President Leni Robredo sa gobyerno na bilisan ang pagpapalabas ng guidelines para sa paggamit ng home antigen test kits. “Sa ibang bansa, ina-allow na nila ‘yung home testing. Kapag masyado natin inistriktuhan ‘yung testing, nagko-congest [ang laboratories],” ayon kay Robredo. Sinabi pa ng Bise-Presidente na may mga ulat […]