Galvez, nahhirapang makakuha ng stocks ng arthritis drug tocilizumab, gamot para sa covid 19 patient
- Published on September 21, 2021
- by @peoplesbalita
INAMIN ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na wala itong magawa at nahihirapan na makakuha ng stocks ng arthritis drug tocilizumab, ginagamit para gamutin ang isang COVID-19 patient, bunsod ng global shortage ng gamot.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Huwebes, sinabi ni Galvez na idinulog na nila ang problema sa suplay sa Swiss ambassador at sa manufacturer ng gamot na Roche.
“Wala po tayong makukuha kasi ..it’s a global supply problem. Wala talaga tayong magawa,” ani Galvez.
Noong nakaraang linggo, binanggit ng Department of Health (DOH) na nakikipag-ugnayn na sila sa iba’t ibang suppliers na maaaring nakakuha ng tocilizumab mula sa Iran.
“We have also sent a letter to the Swiss embassy requesting to prioritize 30,000 vials of tocilizumab for the Philippines,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Nauna rito, sinabi ng DOH na inaasahan na nilang mananatiling limitado ang global supply ng tocilizumab hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan.
Sa ngayon, tinitingnan naman ng gobyerno ang baricitinib bilang alternatibo sa tocilizumab. (Daris Jose)
-
Gobyerno, nakakolekta ng mahigit sa P200B mula sa tax reform
SINABI ng Department of Finance (DOF) na nakakolekta ang gobyerno ng P202.8 bilyong piso na karagdagang kita noong 2002 mula nang ipatupad ang Comprehensive Tax Reform Program (CTRP). Ayon sa DoF, ang kabuuang koleksyon noong nakaraang taon ay mataas sa 26.3% mula sa P160.5 bilyong kita noong 2021. Sinabi ni Finance […]
-
P889M na ang running total worldwide gross… ‘Rewind’ nina MARIAN at DINGDONG, kumpirmadong ‘highest grossing Filipino of all time’
KUMPIRMADO na ang 49th MMFF entry na ‘Rewind’ na pinagbidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, na ang may hawak ng ‘highest grossing Filipino film of all time’. Patuloy ngang binabasag ang mga box office records ng naturang pelikula na produced ng Star Cinema, APT Entertainment at AgostoDos Pictures, na as of January […]
-
Sampung taon na pero never pang nakita ang ama: ANGELICA, ibinahagi ang pinagdaraan nila ng anak na si ANGELO
PUNUM-PUNO ng damdamin na ibinahagi ni Angelica Jones ang tungkol sa pinagdaraanan niya at ng kanyang sampung taong gulang na anak na lalaki na si Angelo. Mula kasi nang isilang si Angelo ay never pa nitong nakaharap ang ama niya. At dahil gaganap si Angelica bilang ina ng bidang si Beaver Magtalas sa […]