• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Garcia pinupuntirya na makaupakan si Pacquiao

INEKLIPSEHAN halos ni Ryan Garcia ng Estados ang panalong seventh round technical knockout kay Luke Camp Bell ng Great Britain para makamit ang interim World Boxing Council (WBC) lightweight title nitong Linggo sa American Airlines Center sa Dallas, Texas.

 

 

Ito’y nang litanyahin niya bago pa magwagi na gustong makabangasan ang dakilang idolo niyang si eight-division world men’s boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao sa kasalukuyang taon.

 

 

Sasagupain pa ng 22-anyos at 5-10 ang taas ang kapwa niya Amerikano na si two-division world champ Gervonta Davis. Pero mas atat pa aniya siyang makaharap ang 42 taon na Pambansang Kamao.

 

 

“My dream is I beat ‘Tank’ Davis and then I end up getting a chance to fight Manny Pacquiao before he gets to go. Because he is one of my idols. He is one of those people, I look up to, and I think he is that last great legend that after Muhammad Ali and all the other legends, he is one of those,” wika ng boksingero sa DAZN. “So, it will be an honor to be in the ring with him.”

 

 

Pero may dalawang dibisyon ang layo ng timbang nina Pacquiao at Garcia. Isa pa’y malamang na si Conor Anthony McGregor ang malamang na labanan sa taong ito ng Pinoy ring icon. (REC)

Other News
  • Cash Assistance para sa mga Navoteñong mangingisda

    MULING namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ilalim ng pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ng cash assistance para sa mga Navoteñong mangingisda na naapektuhan ng oil spill sa Bataan kung saan umabot sa 1,274 benepisyaryo ang nakatanggap ng P7,500 tulong pinansyal na mula kay Pangulong Bongbong Marcos. (Richard Mesa)

  • PBA, nagpadala na ng liham sa IATF para payagan ang team practices

    Nagsumite na umano ng pormal na liham ang PBA sa Inter-Agency Task Force kaugnay sa posibilidad ng pagsasagawang muli ng mga team practices sa buwan ng Hulyo.   Kaugnay pa rin ito sa ginagawang mga preparasyon ng liga para sa posibleng pag-usad muli ng 2020 season na pansamantalang sinuspinde dahil sa COVID-19 pandemic.   Sa […]

  • Nazario sampa sa propesyonal

    UMANGAT ang coaching career ni De La Salle University Green Archers coach Gian Nazario dahil sa ginanap na balasahan ng isang team sa Philippine Basketball Association (PBA) nang italaga silang isa sa dalawang bagong assistant coach ng Terrafirma nito lang isang araw.     Isinama siya sa bagong nirolyong coaching staff sa ilalim ni coach […]