GARDO, pansin din ang malamyang paghanap ng gobyerno sa Covid-19; pabor sa muling pagbubukas ng mga sinehan
- Published on February 18, 2021
- by @peoplesbalita
WE are sure na hindi lang kaming dalawa ni Gardo Versoza ang nakapapansin sa malamyang pagharap ng gobyernong Duterte sa problema ng Covid-19 virus.
Sa presscon ng Ayuda Babes, kung saan gumaganap si Gardo bilang isang beki, tinanong ang dating sexy actor mula sa Seko Films kung ano ang masasabi niya sa naudlot na plano na pagbubukas ng mga sinehan.
Ayon kay Gardo, pabor siyang buksan muli ang mga sinehan pero dapat may malinaw na guidelines na nakalatag at may health protocols na dapat sundin.
Hindi raw niya maintindihan kung seryoso ba talaga ang gobyerno sa pagharap sa Covid-19 problem dahil tila hindi naman malinaw ang plano nito how to address the problem properly.
Pati ang usapin tungkol sa paggamit ng vaccine at kung sino ang unang makakagamit nito ay hindi rin malinaw ang plano.
Mag-iisang taon na tayong pinahihirapan ng Covid-19 pero there seems to be no light at the end of the tunnel, kung pagbabasehan ang response ng gobyerno sa problema.
Kaya naman very timely ang pagpapalabas ng comedy film na Ayuda Babes under the direction of Joven Tan dahil maghahanap ka talaga ng pwedeng makaaliw sa iyo sa oras ng krisis.
Ang kuwento ng Ayuda Babes ay kung paano hinarap ng mga beki sa movie ang krisis na dulot ng Covid-19. Paano sila naka-cope sa hirap na idinulot nito sa kanilang mga buhay.
Itong Ayuda Babes ang unang movie na nag-shoot after the lifting the restrictions posed by Covid-19. Sabi ni Gardo, naging maayos naman ang shooting ng movie dahil sumunod ang cast at production team ni direk Joven sa safety protocols na ipinatutupad ng gobyerno that time.
“Nung malaman nga ng ibang tao na nagso-shoot na kami, naisip nila na pwede naman pala gumawa ng pelikula o mag-taping ng teleserye basta sumunod ka lang sa mga patakaran na inilabas ng Inter-Agency Task Force,” sabi ni Gardo.
Tulad ng kanyang co-stars, ito raw ang pinakamalaking ayuda na kanyang natanggap sa panahon ng pandemya.
“Maraming tao ang walang trabaho tapos may isang producer na sumugal na gumawa ng pelikula sa panahon ng pandemya. I mean, ibang klase yung makapagbigay ka ng trabaho sa mga tao at the time na hindi mo tiyak how long will the pandemic last at kung ano ang magiging long-term effect nito sa mga tao,” pahayag pa ni Gardo.
“Happy vibes lang ang hatid ng Ayuda Babes. Pampasaya sa panahon na maraming tao ang malungkot at depressed dahil sa pandemya. I am sure mage-enjoy tayong lahat sa movie.”
***
MATAPOS ilunsad ang kanyang career bilang singer, acting naman ang sinubukan ni Christi Fider sa Ayuda Babes.
“Gusto ko talaga mag-artista kaya lang mas nauna dumating ang offer to record a song composed by direk Joven. Kaya naman laking tuwa ko when I was offered a role sa Ayuda Babes,” wika ni Christi.
Super enjoy naman si Christi sa shoot dahil masaya kasama ang kanyang mga co-stars na panay mahuhusay in their respective roles.
“Masarap din katrabaho si Direk Joven kasi very cool lang siya sa set. Chill lang kami sa shoot,” sabi pa ng dalaga.
Actually, mas feel daw ni Christi ang acting over singing kaya if ever daw may bagong movie offer na dumating ay tatanggapin niya ito basta maganda ang script at bagay sa kanya ang role. (RICKY CALDERON)
-
Muling naging aktibo sa social media account: KRIS, tuloy ang laban at ‘di susuko para kina JOSHUA at BIMBY
NABUHUYAN ng pag-asa ang mga nagmamahal kay Kris Aquino dahil muling naging aktibo ang TV host/actress sa social media, partikular na sa kanyang Instagram account. Alam naman ng publiko na kasalukuyang nasa Amerika si Kris at hinahanapan ng lunas ang kanyang karamdamang may kinalaman sa kanyang autoimmune condition. September huling nag-post […]
-
1-buwan libreng sakay sa MRT-3, simula sa Marso 28
MAGKAKALOOB ng isang buwang libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) simula sa Marso 28, 2022. Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) kahapon, nabatid na tatagal ng mahigit isang buwan ang libreng sakay o hanggang sa Abril 30, 2022. Ang naturang magandang balita ay inianunsiyo mismo ni […]
-
NAIS Ni Philippine Weightlifting Association o PWA president Monico Puentevella na kanselahin ang eleksiyon ng Philippine Olympic Committee o POC sa Nobyembre 27 dahil sa ilang isyu sa pribadong organisasyon.
NAIS Ni Philippine Weightlifting Association o PWA president Monico Puentevella na kanselahin ang eleksiyon ng Philippine Olympic Committee o POC sa Nobyembre 27 dahil sa ilang isyu sa pribadong organisasyon. Pero agad siyang binutata ni imcumbent president Abraham Tolentino na isa dalawang tatakbo ng una niyang buong termino sa apat na taon. “Monico […]