• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gawad Medalyang Ginto 2025, pinarangalan ang mga natatanging babae

LUNGSOD NG MALOLOS – Sa isang maningning na seremonya na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center noong Lunes, ipinagdiwang ng Gawad Medalyang Ginto 2025 ang kahanga-hangang mga nagawa ng mga kababaihang may mahalagang ambag sa kanilang mga komunidad.

Nagbibigay pugay ang prestihiyosong parangal na ito sa mga mahuhusay na kababaihang nagpakita ng hindi matatawarang dedikasyon sa paglilingkod. Kabilang sa mga pinarangalan sina Emeliza G. Laurenciana mula sa Santa Maria na ginawaran bilang ‘Natatanging Babae’ sa kanyang pagganap bilanng Tagapangulo ng Catmon Multiple-Purpose Cooperative at School Directress ng Aquinas de Escolar Academy; Evelyn R. Asingua mula sa Lungsod ng Malolos, pinarangalan bilang ‘Matagumpay na Ginang ng OFW’; Marissa S. Del Rosario mula sa Marilao, kinilala bilang ‘Matagumpay na Babaeng Makakalikasan’; Mary Vianney J. Sato mula sa Plaridel, ginawaran bilang ‘Huwarang Kabataang Babae sa Pamumuno’; at Maria Donna Adora M. Borlongan mula sa Pulilan, kinilala bilang ‘Matagumpay na Babaeng Mangangalakal’.

Bukod dito, pinarangalan din ang Rotary Club of Plaridel Kristal bilang ‘Natatanging Samahan’.

Ang Gawad Medalyang Ginto ay patuloy na nagsisilbing tanglaw ng pag-asa at inspirasyon, kung saan ipinamamalas kung paanong ang determinasyon at katatagan ay maaaring magbunga ng positibong pagbabago. Ang pagdiriwang ngayong taon ay muling nagpapatunay ng mahalagang papel na ginagampanan ng kababaihan sa paghubog ng mas mabuting lipunan.

Dumalo naman bilang panauhing pandangal si Punong Mahistrado Maria Lourdes Sereno ng Korte Suprema ng Pilipinas sa taunang seremonya ng paggawad.

Samantala, binigyang diin ni Gob. Daniel R. Fernando ng Bulacan ang kahalagahan ng pagdiriwang na ito bilang patunay ng lakas at impluwensya ng kababaihan sa kanilang mga komunidad.

“Ang bawat isa sa mga pinarangalan ay huwaran ng pagpapalakas ng kababaihan na siyang layunin ng Gawad Medalyang Ginto. Papuri at pasasalamat po sa ating Panginoon sa pagkakaloob sa atin ng mga natatanging ina ng tahanan at ng lipunan. Kayo po ang gintong yaman ng Bulacan,” anang gobernador.

Ang Gawad Medalyang Ginto ay isang taunang parangal na kumikilala sa mga natatanging kababaihan na may mahalagang ambag sa kanilang komunidad at sa iba’t ibang larangan tulad ng sining, kultura, pulitika, at serbisyong panlipunan. Layunin nitong palakasin ang mga kababaihan sa lipunan at ipakita ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng kasarian sa lahat ng antas ng komunidad.

Other News
  • Francis Ford Coppola Approaches Christian Bale To Star In His Upcoming Movie ‘Megalopolis’

    ACCORDING to Robert Duvall, Francis Ford Coppola has approached Christian Bale to star in his upcoming movie, Megalopolis.        Coppola, director of The Godfather  movies, Apocalypse Now, and Bram Stoker’s Dracula, is one of the most awarded and iconic filmmakers of all time. Bale is an Academy Award-winning actor known for his work in The Dark Knight, American Psycho, Ford v Ferrari, and many […]

  • Pondo ng mga Olympic bound athletes nailabas na – PSC

    Inilabas na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga allowances ng mga atleta at coaches na sasabak sa Tokyo Olympics.     Ayon sa PSC na nailabas na nila ang allowances ng mga atleta para sa buwan ng Enero habang kasalukuyang pinoproseso ang allowance nila ng Pebrero.     Kapag naisumite na ang mga kakailanganing […]

  • P9-B natirang Bayanihan 2 fund, ‘di na magagamit

    Tuluyan nang hindi magagamit ang umaabot sa P9 billion na pondong nakalaan sana sa pagtugon ng pamahalaan laban sa epekto ng COVID-19.     Bagama’t hindi ito tuluyang masasayang, obligado naman ang gobyerno na ibalik ang naturang salapi sa national treasury.     Una nang iminungkahi ng ilang opisyal na palawigin na lang sana ang […]