• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gawilan bigo sa medalya

Isinara ni national para swimmer Ernie Gawilan ang kanyang kampanya sa Tokyo Paralympic Games na walang nakamit na medalya.

 

 

Pumuwesto si Gawilan sa ikaanim sa heat 2 ng men’s 100-meter backstroke S7 sa inilista niyang 1:21.60 at minalas na makapasok sa finals kahapon sa Tokyo Aquatics Center.

 

 

Bigo rin siyang makaabante sa finals ng men’s 200-meter individual medley habang nakalangoy siya sa finals ng men’s 400-meter freestyle at tumapos sa sa ikaanim

 

 

“Medyo nahirapan si Ernie sa 400-meter freestyle yesterday (Linggo). He was three seconds off his personal best in the backstroke,” sabi ni swimming coach Tony Ong sa tubong Davao City.

 

 

Minalas ding makaabante sa finals si Gary Bejino nang pumang-pito sa heat 1 sa kanyang itinalang 36.14 segundo at ika-14 sa kabuuang 16 swimmers sa men’s 50m butterfly S6 classification.

 

 

“I believe that Gary’s time of 36.14 seconds is his personal best if I am not mistaken,” ani Ong. “Nagbago kami ng stroke because of the new rule in the butterfly event.

 

 

Lalangoy pa siya sa men’s 400m freestyle S6 sa Huwebes at sa men’s 100m backstroke S6 sa Biyernes.

Other News
  • COVID-19 cases sa Pilipinas halos 641K na: DOH

    Patuloy na nakakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mataas na bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).     Ngayong araw ng Huwebes, March 18, pumalo na sa 640,984 ang total cases matapos mag-ulat ang ahensya ng 5,290 na bagong kaso ng sakit.     Ito na ang ika-14 na araw na […]

  • P15-B katiwalian sa PhilHealth dahil sa ‘incompetent’ military appointees — grupo

    Isinisi ng mga militanteng magsasaka ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga retiradong sundalong “walang kasanayan” sa nangyayaring katiwalian diumano sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), bagay na umani ng matinding batikos sa social media noong Martes.   Kahapon lang nang ibulgar ni Thorrsson Montes Keith, dating anti-fraud legal officer ng PhilHealth, sa Senado […]

  • DISKARTENG PASTILLAS

    MAINIT pa ring usapin sa bansa ang nabulgar na ‘Pastillas Scheme’ sa airportkung saan nakaka-shock na P10-bilyon ang kinikita ng mga corrupt sa Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa pagsasaayos ng visa ng mga Chinese na magtatrabaho sa bansa sa ilalim ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).   Ito ay […]