Gawilan, flag bearer sa Asean Para Games
- Published on March 6, 2020
- by @peoplesbalita
LABIS ang pasasalamat ng Pinoy swimmer na si Ernie Gawilan matapos mapiling flag bearer ng bansa para sa gaganaping ASEAN Para Games dito sa bansa sa Mayo.
Ayon kay Gawilan, lubos ang kanyang pagkagalak sa natatanggap na biyaya, na siya raw magmo-motivate sa kanya upang lalong magpursigi.
“Lubos ang aking pagkagalak sa natatanggap na biyaya at lalo ko pang imomotivate ang sarili ko para lalo akong magpursige,” ni Gawilan.
Ang 28-anyos na si Gawilan, na tubong Davao City, ang kauna-unahang Pinoy na nakapasok sa 2020 Paralympics bunsod ng kanyang magandang performance noong 2018 Asian Para Games sa Indonesia.
Sa naturang kompetisyon, humakot si Gawilan ng tatlong gold medals sa 400-meter freestyle (S7 class), 100-meter backstroke (S7 class) at 200-meter individual medley (SM7 class).
Sinabi naman ni Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo, karapat-dapat lamang na iginawad kay Gawilan ang pagiging flag bearer ng bansa.
Matatandaang dalawang beses na na-postpone ang Para Games at inusog na ito sa Mayo 26 hanggang Hunyo 5 kung saan gaganapin ang karamihan sa mga sports at events sa Metro Manila.
-
NORA, masayang-masaya dahil sinorpresa ng mga anak at mga apo maliban kay LOTLOT
EXCITED na ang mga fans ni Jo Berry sa muli niyang pagbabalik, sa pamamagitan ng bagong GMA Afternoon Prime series na Little Princess. Muli, title-roler si Jo, tulad ng una niyang serye sa Kapuso Network na Onanay na naging anak niya sina Mikee Quintos at Kate Valdez. Dalawa ang naging leading […]
-
2021 budget, pinakamahalagang budget proposal ni Pangulong Duterte sa Kongreso-Malakanyang
PARA sa Malakanyang, ang panukalang 2021 national budget ang pinaka- importanteng proposed national budget ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ang binigyang-diin ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna na rin ng paninindigan ng Malakanyang na hindi uubrang gumamit ang gobyerno ng re-enacted budget sa susunod na taon. Ang punto ni Sec. Roque, […]
-
Gawilan lalangoy, pasok sa Tokyo Para Games
MAY panlaban rin ang Philippine Team sa 2020 Tokyo Para Olympics matapos makasungkit ng slots si swimmer Ernie Gawilan matapos maabot ang kinakailangang puntos para mapasabak sa quadrennial meet na nakatakda sa Agosto 25 hanggang Setyembre 6. Nakalap ni Gawilan ang Olympic points bunsod nang matikas na kampanya sa 2018 Asian Para Games sa […]