• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gaya ng ginawa sa ‘Miss Grand Philippines 2023’: HERLENE, gagamit uli ng interpreter sa ‘Miss World Tourism’ sa London

KINUMPIRMA ni Herlene Budol na muli siyang gagamit ng interpreter sa Miss World Tourism sa London, gaya ng ginawa niya sa katatapos lang na Miss Grand Philippines 2023.

 

 

 

Ginulat ng bida ng ‘Magandang Dilag’ ang lahat nang gumamit siya ng interpreter sa Q&A portion.

 

 

 

“Oo. Dito nga po sa Pilipinas na maraming nagta-Tagalog nakapagdala ako sa tabi ko. What more sa iba pang bansa? Pero gusto ko kasi mas maraming mas makaintindi. Kagaya ko hindi ganoon kagaling sa Ingles pero pinipilit,” sey nang nagwaging Miss Philippines Tourism 2023.

 

 

 

Bukod dito, wagi rin si Herlene ng ilang special awards.

 

 

 

Nauna nang ibinahagi ni Herlene ang ilan niyang larawan na proud na suot ang korona habang nagpapahinga sa bahay matapos ang kompetisyon.

 

 

 

Sa isa namang naunang post, ibinahagi rin niya ang kanyang larawan suot ang white two piece bikini.

 

 

 

Ayon sa kaniya, kinabahan siya habang hinihintay na matawag ang kanyang pangalan.

 

 

 

Si Nikki De Moura ng Cagayan de Oro ang itinanghal bilang Miss Grand Philippines.

 

 

 

***

 

 

 

REUNITED ang kapwa Kapuso stars at mabuting magkaibigan na sina Ruru Madrid at Kylie Padilla sa upcoming full action series na ‘Black Rider’.

 

 

Ayon kay Ruru, kaabangabang daw ang karakter ni Kylie sa serye.

 

 

“Ibang-ibang Kylie ‘yung mapapanood niyo. Grabe ‘yung drama na maipapakita niya dito,” sey ni Ruru.

 

 

Sang-ayon naman dito si Kylie na nagsimula na rin na mag-tape para sa mga eksena niya sa serye.

 

 

“Noong binasa ko ‘yung script, maganda naman talaga. Maganda ‘yung love story. Parang catalyst ‘yung character ko para sa magandang storyline niya.”

 

 

Maraming intense action scenes na rin daw ang nakuhan sa loob lang ng dalawang araw na taping.

 

 

Dagdag pa ni Ruru na full action series man ang Black Rider, sinigurado pa rin nila na mae-enjoy ito ng mas malawak na audience.

 

 

“Ang aming number one na pambato diyan, action. Hindi siyempre mawawala ang mga drama na eksena kasi siyempre ang dami nating mga dramatic actors na nandirito sa programa po na ito. May comedy rin, ang dami nating komedyante. Parang pinag-isa siya sa isang programa,” paglalarawan niya sa serye.

 

 

Dapat din daw abangan ang teaser ng serye na siguradong pupukaw sa interes ng mga manonood.

 

 

“Magugulat kayo sa aming inihandang teaser. We shot this for how many hours. Pinaghandaan namin ‘yan. We trained for how many months for that specific scene,” bahagi ni Ruru.

 

 

***

 

 

 

MARAMI na ang naghihintay sa highly-anticipated memoir ng dating Teen Pop Queen na si Britney Spears.

 

 

 

Sa October 24 na lalabas ang kanyang libro na ‘The Woman In Me’ naglalaman ng maraming kuwento sa buhay ng singer na hindi pa naisasapubliko simula noong sumikat siya noong 1999 dahil sa hit single na ‘Baby, One More Time’.

 

 

 

Kasama sa kanyang memoir ay ang tunay na dahilan ng kanyang pagkakaroon ng mental breakdown noong 2007 at sabay na nagpakalbo siya.

 

 

 

Hindi rin daw mawawala ang tungkol sa strict conservatorship na pinilit siyang pasukin ng kanyang amang si Jamie Spears noong 2008 para makontrol ang kanyang pera pati na ang personal niyang buhay. Natapos ang conservatorship noong 2021 nang hilingin niya sa korte na kaya na niyang maasikaso ang buhay niya.

 

 

 

Sinama rin ng 41-year old singer ang mga naging romantic involvement niya kina Justin Timberlake, Jason Allen Alexander, Kevin Federline at sa current husband niyang si Sam Asghari.

 

 

 

Ayon sa publisher ng memori: “This is a brave and astonishingly moving story about freedom, fame, motherhood, survival, faith, and hope. Written with remarkable candor and humor, Spears’s groundbreaking book illuminates the enduring power of music and love — and the importance of a woman telling her own story, on her own terms, at last.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ads September 12, 2020

  • 423 JOBSEEKERS HIRED-ON-THE-SPOT SA SM’S LABOR DAY JOB FAIRS

    UMABOT sa 423 jobseekers ang na hired on the spot sa isinagawang magkasabay na job fair noong labor day kung saan nag-host ang SM City Grand Central at SM City Valenzuela.     Ipinakita sa collaborative initiative na ito sa pagitan ng SM Supermalls, Department of Labor and Employment, Local Government Units, at Public Employment […]

  • 2 patay sa engkwentro sa SLEX Calamba, Laguna

    Dalawa ang patay sa nangyaring engkwentro bandang alas-4:17 ng  hapon, Hunyo 3 sa pagitan ng mga otoridad at dalawang umano’y notorious robbery/kidnapping personalities sa may bahagi ng Silangan Exit, SLEX, Calamba, Laguna.     Nakatanggap kasi ng report ang Regional Intelligence Division- Anti-Carnapping Unit (RID-ANCAR) ng PNP Calabarzon na isang Chinese ang dinukot ng grupo […]