• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GCQ sa NCR pinalawig hanggang Agosto 15

Mananatili sa Enhance Community Quarantine (ECQ) ang probinsiya ng Iloilo City, Iloilo province sa Region 6 at Cagayan de Oro at Gingoong City sa Region 10 simula Agosto 1 hanggang Agosto 7, 2021.

 

 

Ito ang ginawang anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang national address nitong Miyerkules ng gabi.

 

 

Inilagay naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Ilocos Norte sa Region 1, Bataan sa Region 3 at Lapu-Lapu City at Mandaue City sa Region 7 mula Agosto 1- 7.

 

 

Pinalawig ng pangulo ang General Community Quarantine (GCQ) with heightened restriction classification ang National Capital Region mula Agosto 1 hanggang Agosto 15.

 

 

Kasamang na nasa GCQ with heighthened restirctions ang Ilocos Sur sa Region 1, Cagayan sa Region 2, Bulacan sa Region 3k Laguna, Lucena City, Cavite at Rizal sa Region 4-A, Naga City sa Region 5; Antique, Aklan, Bacolod City and Capiz sa Region 6; Negros Oriental sa Region 7; Zamboanga del Sur sa Region 9; Misamis Oriental sa Region 10; Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro at Davao Occidental sa Region 11; at Butuan City at CARAGA.

 

 

Samantala ang mga lugar gaya ng Baguio City at Apayao sa Cordillera Administrative Region; Santiago City, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino sa Region 2; Quezon at Batangas sa Region 4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Guimaras at Negros Occidental sa Region 6; Zamboanga Sibugay, City ng Zamboanga at Zamboanga del Norte sa Region 9; Davao Oriental at Davao del Sur sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato at South Cotabato sa Region 12; Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands at Surigao del Sur sa CARAGA at Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay nasa GCQ classification mula August 1 hanggang August 31, 2021.

 

 

Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ) mula Agosto 1 hanggang Agosto 31. (Daris Jose)

Other News
  • 2 kulong sa baril at patalim sa Caloocan

    LAGLAG sa selda ang dalawang lalaki matapos mahuli sa akto na may dalang baril at patalim habang pagala-gala sa lansangan sa Caloocan City.     Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang maaresto ng mga tauhan ng Police […]

  • Davis balik na sa lineup ng Lakers

    Nagbalik sa lineup ang Lakers star big man na si Anthony Davis laban sa San Antonio Spurs, umiskor ng 21 puntos sa 113-104 panalo sa Los Angeles habang nagmula sa bench sa unang pagkakataon sa halos isang dekada.   Si  Davis, na wala sa nakalipas na 5½ linggo dahil sa bali ng buto at stress […]

  • HVI tulak, kasabwat nalambat sa Caloocan drug bust

    LAGLAG sa selda ang dalawang drug suspects, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.           Sa ulat, nagpositibo ang natanggap na impormasyon ng mga opertatiba ng Northern Police District – District Drug Enforcement […]