• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para sa isang dance campaign ng Shakey’s… GELA, ‘di pa rin makapaniwalang nakasama sina GARY at MARIAN

NAKAUSAP si Gela Atayde sa Fresh International Buffet sa Solaire Resort North noong March 24 matapos ang State Of The District Address ng kuya niyang si Juan Carlos “Arjo” Atayde na Congressman sa unang Distrito ng Quezon City.
Maituturing na isang milestone sa buhay niya bilang celebrity dancer ay ang pagkakasama niya sa isang dance campaign ng Shakey’s, ang sikat na pizza parlor chain, kung saan nakasama niya sina Gary Valenciano at Marian Rivera.
“And I’m also so happy kasi, Shakey’s now po, me with Shakey’s!,” panimulang pahayag ng New Gen Dance Champ.
“It’s a dance campaign of different eras with tito Gary, ate Marian, so iyon. It’s just becoming a big thing also because of how, siguro I guess social media also plays a big part of it, Tiktok.
“A lot of people appreciate dance more, with Time To Dance also I’m so happy na
we’re able to televise it, we’re able to show more people and reach more audiences,
so iyon po.”
Ano ang pakiramdam na makasama sa isang dance campaign sina Mr. Pure Energy at Primetime Queen ng GMA.
“Honestly, it hasn’t sunk in,” ang nakangiting bulalas ni Gela.
“It really hasn’t sunk in. Kasi parang, they told me lang po a few days before or like a week before the campaign, that I was doing it so… e nalaman ko lang po a few days before who I was with so sobrang I was in shock!
“Lumabas na naman po yung imposter syndrome ko na bakit ako nandito, why was it given to me, like of all people?”
Pagpapatuloy pa ni Gela, “Of course, I mean I have high respect for tito Gary, of course, and ate Marian but I guess I’m just nothing but grateful.
“That’s really all I can say, kasi iyon po, it feels so surreal e, parang hindi po siya totoo?
“Iyon yung feeling na, to the Shakey’s team, I even went to their 50th anniversary, and I couldn’t stop thanking because I mean compared to who I was with it’s like sobrang layo na po ng mga narating ni tito Gary and ate Marian, especially as endorsers.
“So with this, it’s an honor, it’s such a good start rin for me so hopefully I’m able to do more, of course.
“Cause it would be a privilege to be able endorse different brands and products of course.
“But yeah it’s so different, it feels so… surreal!
“Iyon lang po talaga yung masasabi ko because I know that being an endorser entails a lot of not just responsibilities pero yung ibig sabihin may respeto sa iyo yung mga tao.
“So for them to choose me for some reason hindi po siya pumapasok sa utak ko, until now when people congratulate me it’s a big deal to me but at the same time it’s like hindi ko po alam paano, parang hindi ko siya… I couldn’t wrap my head around it!”
Samantala, magtatapos na ngayong gabi, April 12, ang hint-host niyang ‘Time To Dance’ ang dance survival reality show ng ABS-CBN.
Mapapanood ang ‘Time To Dance’ ng 8:30 pm sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, MYX, iWantTFC, at sa TFC.
Other News
  • 6 drug suspects, tiklo sa Malabon buy bust

    BINITBIT sa selda anim na hinihinalang drug personalities matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon City.       Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit […]

  • Uka-uka at napaikli ang bangs: MARIS, tinawanan ng netizens dahil sa video na iyak nang iyak

    TINAWANAN ng mga netizens si Maris Racal na ibinidyo ang sarili na iyak nang iyak dahil sa kanyang bagong gupit na bangs. Makikita na napaikli ang gupit ng kanyang bangs at uka-uka ito na talaga namang ang sagwang tingnan. Super cry talaga si Maris na sa simula ay hindi mo maiisip na dahil sa kanyang […]

  • Binatilyo, obrero tiklo sa bato at damo sa Valenzuela

    DALAWA, kabilang ang 15-anyos na binatilyo ang arestado matapos mabisto ang dala nilang iligal na droga makaraang masita sa pagdadala ng patalim at paglabag sa curfew sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.     Sa report ni SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., habang nagpapatrolya ang […]