• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

General at colonels na nakapagsumite na ng courtesy resignation, sasailalim sa lifestyle check

INIHAYAG ng Philippine National Police na sasailalim sa lifestyle check ang mga general at colonel ng pulisya na nagsumite na ng kanilang courtesy resignation.

 

 

Ayon kay Philippine National Police Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang lifestyle check ay bahagi ng pagsisikap ng five-man committee na magsusuri sa courtesy resignations at magrerekomenda kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Sa pinakahuling bilang, mahigit 500 na matataas na opisyal ng pulisya ang nagsumite na ng kanilang courtesy resignation, ngunit hindi malinaw kung kabilang dito ang 10 na iniulat na sangkot sa illegal drug trade.

 

 

Samantala, ayon sa Volunteers Against Crime and Corruption, mas mabuting kasuhan na lang ang mga opisyal na sangkot sa illegal drug trade, dahil maaaring mauwi sa demoralisasyon sa Philippine National Police ang paghingi ng courtesy resignation ng lahat ng matataas na opisyal.

 

 

Kaugnay niyan, wala pa umanong komento ang Philippine National Police at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pahayag ng Volunteers Against Crime and Corruption.

 

 

Una rito, si Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang umapela sa mga generals at full colonels na isumite ang kanilang courtesy resignation bilang bahagi ng pagsisikap na alisin sa puwersa ng pulisya ang mga nasasangkot sa illegal drug trade. (Daris Jose)

Other News
  • MANCAO, ITINALAGANG CYBERCRIME CENTER CHIEF

    ITINALAGA si dating police officer Cezar Mancao II bilang chief ng Cybercrime center.   Ito ang kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kung saan si Mancao ay executive director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).   Sa kabila nito, hindi alam ng DICT kung kelan magsisimulang manunungkulan si Mancao sa kanyang […]

  • Sakaling matuloy sa pagtakbong gobernador: VG MARK, siguradong mababawasan na ang oras para kay KRIS

    NAKABALIK na sa Pilipinas ang bagong kasal at butihing Gobernador ng Batangas na si Dodo Mandanas, matapos ang Italian honeymoon nila ng 32 anyos na asawa.       Matunog pa rin ang balita na isa ang 80-year old governor sa mga kinokonsidera bilang bagong Executive Secretary ng Marcos Administration kapalit ni ES Lucas Bersamin. […]

  • KAILANGAN ang MALINAW na POLISIYA sa PAGSUOT ng FACE SHIELD sa PUBLIC TRANSPORT!

    Ordinansa ng mga LGU na nagmumulta o nagpapataw ng parusa sa walang faceshield. Kailangan ba?     Nabuksan ulit ang issue ng mandatory na pagsusuot ng faceshield nang mag-viral ang panghuhuli ng ilang enforcers sa mga pasahero ng bus kung saan ay pinababa ang mga pasahero at minultahan ang mga ito base sa isang ordinansa. […]