• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GEOFF, palaging galit na galit sa eksena kaya ang ‘OA’ ng dating ng acting; dapat magpaturo kina MICHAEL at GINA

HINDI ba napapansin ng tatlong director ng FPJ’s Ang Probinsyano na sina Coco Martin, Malu Sevilla at Albert Langitan ang masamang acting ni Geoff Eigenmann?

 

 

Aba eh lagi na lang siyang galit na galit sa mga eksena niya. Kaya ang OA tuloy ng dating niya.

 

 

Hindi ba niya alam ang restrained style of acting? Magpaturo kaya siya sa nanay niya na si Gina Alajar o sa daddy niya na si Michael de Mesa kung paano ang tamang timpla ng acting?

 

 

Sino kaya sa tatlong director ng Ang Probinsyano ang naka-assign sa mga eksena ni Geoff? May mga ibang teleserye naman siya na maayos ang pagganap niya pero dito sa action series ni Coco ay over the top ang acting niya.

 

 

Laging siyang parang nanggigil. Sad to say, hindi effective huh?

 

 

Aba kung hindi aayusin ni Geoff ang acting niya, baka siya na ang susunod na karakter na mamamatay sa FPJAP.

 

 

***

 

 

COMEBAACK directorial assignment ni Shandii Bacolod ang Love at the End of the World. 

 

 

The last time nagdirek siya was ten years ago. Isinulat niya ang script nito as film three years ago. Pero last year ay nag-decide siya na i-rewrite ang script as a series.

 

 

An ode to loliness kung ilarawan ni Shandii ang pelikula. Dahil masyadong malapit sa puso niya ang kwento kaya he decided na siya ang magdidirek nito.

 

 

Bida sa pelikula sina Rex Lantano, Kristof Garcia, Mike Liwag, Gold Azeron, Nico Locco, Markki Stroem, Khalid Ruiz, Yam Mercado at Elijah Filamor.     

 

 

“It is an adult queer story which happens sa last seven days of the earth. Sana magustuhan ng mga tao ang kakaibang kwento na ito,” pahayag ni Shandii.

 

 

***

 

 

CONGRATULATIONS sa lahat ng mga nagwagi sa Star Awards for Movies.

 

 

Masaya kami para sa panalo nina Sylvia Sanchez at Alden Richards who took home top acting honors.

 

 

Congrats din kina Maricel Laxa at Ricky Davao who won Best Supporting Actress at Best Supporting Actor respectively.

 

 

Gusto rin naman batiin ang PMPC dahil kahit na pandemya ay nakagawa sila ng paraan para maidaos ang awards night nila.

 

 

At hindi lang isa kundi tatlong awards night dahil may Star Awards for TV at Music pa.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Malakanyang, umapela sa publiko na hayaan na magdesisyon si PDu30 sa isyu ng WPS

    UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na hayaan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na plantsahin sa pribadong pamamaraan ang isyu ng di umano’y pagsalakay ng China sa West Philippine Sea (WPS).   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang diplomatic negotiations ay nasa ilalim ng listahan ng exceptions ng Executive Order (EO) 2, o mas kilala […]

  • P29 Rice Program sa Navotas

    “P29 Rice Program”: Pinasalamatan nina Navotas Rep. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco si Pangulong Bongbong Marcos dahil may 1,500 Navoteño ang nakabili ng hanggang limang kilo ng P29/kilo na bigas. Pinuri rin ng Tiangco brothers ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na palawakin ang access sa abot-kayang bigas, kasunod ng pag-anunsyo ni Agriculture Secretary […]

  • Mga NBA players posibleng payagan ng magsuot ng mga ‘statement’ jerseys

    Posibleng payagan na ang ilang NBA players na magsuot ng mga uniporme na may nakakargang slogan na sumusuporta sa social justice o charities imbes ang kanilang mga pangalan kapag nagsimula na ang liga.   Nagsasagawa na ng pag-uusap sina Oklahoma City Thunder guard Chris Paul ang pangulo ng National Basketball Players Association at ang mga […]