• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GERALD, sinabihan na ‘wag sanang idagdag si JULIA sa mga babaeng pinaiyak; paggamit ng quote ni LEBRON JAMES, ‘di nagustuhan ng netizens

DAHIL sa pag-amin ni Gerald Anderson sa relasyon nila ni Julia Barretto, matindi ang bashing na natatanggap ng Kapamilya actor sa Instragram.

 

 

Sa isang IG post ni Gerald ay ginamit niya ang quote ng NBA superstar na si Lebron  James, “People will hate you, rate you, shake you and break you. But how strong you stand is what makes you,”

 

 

Hindi ito nagustuhan ng mga netizens. Sinagot ni bebotrm ang post ni Gerald: “The thing is you are not Lebron James.”

 

 

Post naman ni anjiegalon, “Walang maniniwala sa iyo uy! Lahat ng mga nakarelasyon mo, lahat sila, galit sa pagkababaero mo.”

 

 

Comment naman ng ibang netizens hindi na dapat idinamay pa ng actor si Lebron James sa post niya dahil madadamay lang si Lebron sa pagiging negative ng image ni Gerald.

 

 

Pero may nagtatanggol din kay Gerald na ang sabi ay may third party rin sa hiwalayan ni Gerald at ni Bea Alonzo.

 

 

Pati ang nanahimik na si Joshua Garcia ay nadamay pa at sinabi na may atraso rin ito kay Julia.

 

 

Pero clear na totoong may relasyon sila Gerald at Julia, at ito ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Gerald at Bea.

 

 

Panay ang deny ni Julia before. Wala raw silang relasyon ni Gerald. Hindi raw niya ito boyfriend at wala raw siyang inagaw.

 

 

Pero ngayon, alang-alang sa promo eh aamin sila na totoong may relasyon sila. So sino baa ng nasira sa kanilang pagsisinungaling?

 

 

Kaya ang comment ng mga tao, huwag raw sana madagdag si Julia sa listahan ng mga babaeng pinaiyak ni Gerald.

 

 

***

 

 

PALABAS na sa www.heypogi.com ang unang BL movie ni Rex Lantano titled Daddy Love.

 

 

Thankful si Rex kay Direk Monti Parungao who offered him the lead role sa 4-episode BL series na ito.

 

 

Bukod sa ito ang una niyang BL series, first time din ni Rex na magbida sa isang movie. First time din niyang nagkaroon ng kissing scene with a fellow male actor. Ito rin ang first ever kissing scene niya sa pelikula.

 

 

We remember sa isang kwentuhan ay nabanggit ni Rex na he was offered the role sa Daddy Love na mabilisan. Kumbaga, hindi siya masyadong nakapaghanda physically for the role eh may mga eksena pa naman na he had to be half-naked from waist up.

 

 

Hindi lang ang kakaibang kwento ng May-December gay romance ang tinatalakay sa serye kundi pati rin ang HIV awareness na medyo nalilimutan natin dahil ang lahat ay concerned sa effect ng Covid-19 virus sa mga buhay natin.

 

 

Ayon pa kay Rex, he was challenged by the role he played sa Daddy Love. Pero malaki ang kanyang pasasalamat sa kanyang director na si Direk Monti dahil tinulungan siya nito para magampanan nang maayos ang kanyang papel.

 

 

Alam naman ni Rex that competition is showbiz is tough and a good role doesn’t come along too often. Kaya masaya na siya sa paminsan-minsan paglabas, kahit small roles, sa Maalaala Mo Kaya.

 

 

Siyempre nangangarap din siya na maging parte ng isang malaking teleserye at makatrabaho ang ilan sa mahuhusay at tinitingalang mga director sa industriya.

 

 

Habang naghihintay ng bagong acting assignment, abala muna si Rex sa pagtulong sa bagong bukas nilang family business na Lola Mame Restaurant sa Taguig. (RICKY CALDERON)

Other News
  • Higit 60K dumalo sa ‘Pure Love’ rally ng ‘KakamPing’ sa QCMC

    TINATAYANG  umabot sa mahigit 60,000 mga Pilipino na nagnanais ng bagong liderato ang dumagsa sa Quezon City Memorial Circle (QCMC) noong Sabado (Abril 9) para ipakita ang kanilang pagsuporta sa kandidatura nina presidential bet Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.     Tinaguriang ‘Pure Love’ ang nasabing […]

  • Marc Paolo Javillonar pinapanagot sa pagpisil ng puwet ni Will Allen Gozum

    Nag-viral ang video na pinisil ni Marc Paolo Javillonar ng Colegio De San Juan De Letran Knights ang puwit ni presumptive Most Valuable Player Will Allen Gozum ng College of Saint Benilde Blazers sa kanilang 98th National Collegiate Athletic Association 2022 seniors basketball tournament best-of-3 Finals Game 1 Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum sa […]

  • Work from home, opsyonal sa ilalim ng Alert Level 1- DTI chief Lopez

    MAGIGING opisyal ang work from home arrangement sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 sa susunod na buwan dahil sa pagbuti ng COVID-19 situation sa bansa.     Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang onsite work ay hinihikayat sa ilalim ng Alert Level 1.     “Ie-encourage ‘yung onsite work […]