GERMAN NATIONAL, ARESTADO SA MULTI-MILLION-EURO SCAM
- Published on October 28, 2021
- by @peoplesbalita
NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Israeli national na nahaharap sa 200 na reklamo na isinampa ng mga German victim dahil sa kasong sangkot sa multi-million -euro investment scam.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, si Kfir Levy, 43 ay kasalukuyang naka-detain sa BI Custodial Center matapos itong naaresto sa Diosdado Macapagal Avenue, Pasay City ng mga operatiba ng bureau’s fugitive search unit (FSU) matapos siyang mag-isyu ng mission order dahil sa kahilingan ng awtoridad ng German matapos ipaalam ang krimen na ginawa ng suspek.
“Two weeks ago, we received information from German authorities about the charges against him,” ayon kay Morente. “Now that we have him in custody, we will proceed with the deportation proceedings so he may be deported and blacklisted from the country for being an undesirable alien,” dagdag pa ng BI chief.
Inilarawan ni Morente ang suspek na isang high-profile fugitive na may dalawang arrest warrants na inisyu ng German courts noong February ng nakaraang taon dahil sa pagkakasangkot nito sa fraud syndicate na bumiktima ng daan-daan niyang kababayan sa pagitan ng 2016 at 2019.
Ang unang warrant ay inisyu noong Feb. 13, 2020 ng Bamberg district court sa Bavaria habang ang isa ay isang European arrest warrant na inisyu ng local court sa Bamberg.
Dagdag pa ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy na si Levy ay overstaying na matapos na hindi na bumalik sa kanilang bansa simula Jan 30 ng nakaraang taon.
Si Sy ay miembro ng criminal syndicate na nag-ooperate ng trading platforms sa Internet at large-scale fraud sa mga nahikayat niyang customer sa pamagitan ng telepono at emails upang nag-invest ng malaking halaga sa kanya na may pangakong malaking tubo.
Si Sy ay kasalukuyang nakadetine sa CI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. GENE ADSUARA
-
Final na at walang balikan na naganap sa kanila ni Rabiya: JERIC, binura na ang lahat ng photos o post sa Instagram account
MUKHANG final na kaya at wala ng balikan na magaganap sa pagitan nina Jeric Gonzales at girlfriend niya na si Rabiya Mateo? Sa totoo lang, naghihintay kami na ang ibabalita sa amin, “sila na ulit!” Kasi nga, gano’n na talaga ang pattern, magbi-break, then, magbabalikan. Pero this time, mukhang totohanan na ha. Kaya […]
-
Ads December 19, 2020
-
Ads December 2, 2023