Gibo, nangako na bibigyan ng ‘best of care’ ang mga war veterans
- Published on June 14, 2023
- by @peoplesbalita
DAPAT na bigyan ng tamang pangangalaga “to the best way possible” ang mga war veterans bilang tanda ng pasasalamat para sa kanilang serbisyo sa bansa.
“One of the essential tasks or jobs of the Secretary of National Defense is to ensure the welfare of our veterans. This is what the President [Ferdinand Marcos Jr.] continues to remind to me and I will strive hard to ensure that they get the best of care, particularly those who cannot care for themselves,” ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. matapos pangunahan ang ika-125 anibersaryo ng Philippine Independence Day, araw ng LUnes, Hunyo 12, sa Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion (Mausoleum of the Veterans of the Revolution), Manila North Cemetery.
Bilang pagbibigay galang at papuri sa mga bayani, tagapagtanggol at mga makabayan, nag-alay si Teodoro ng bulaklak sa Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion kung saan nakalibing ang mga pumanaw na revolutionaries noong panahon ng Philippine Revolution taong 1980s at the Philippine-American War noong 1890s hanggang sa unang bahagi ng 1900s.
Inihalintulad naman ni Teodoro ang kalayaan ng bansa sa isang puno o tao na kailangang patuloy na alagaan at pagyamanin.
“Kailangan, tuluy-tuloy ang pakikibaka, paggamit ng ating mga likas na regalo ng ating Panginoon sa atin, ang ating mga utak, ang ating mga katawan, ang ating pag-iisip, at ambisyon para tuluy-tuloy ang pagsulong ng Republika ng Pilipinas at maging malakas na bansa ito, maging bansa na talagang titingalain sa buong mundo. Iyan palagay ko ang kailangan din nating gunitain ngayon kaalinsabay ng sakripisyo ng ating mga bayani,” paliwanag ni Teodoro. (Daris Jose)
-
PMA’S CLASS “BAGONG SINAG” nakuha ang papuri, pagkilala ni PBBM
TINATAYANG pitong babaeng kadete ng male-dominated Philippine Military Academy (PMA) ang ‘nag-stand out’ sa commencement exercises ngayong taon. Dahil dito, nag-iwan ito ng pambihirang impresyon sa kanilang Commander-In-Chief na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ang pitong babaeng kadete ay nakapasok at nakasama sa Top 10 ng PMA “Bagong Sinag” Class of 2024 ngayong taon […]
-
Gen. Parlade at Usec. Badoy, may ‘gag order’ sa community pantry issues – Esperon
Kinumpirma ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na kaniya nang pinagsabihan sina Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. at Larrine Badoy, kapwa tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na huwag muna magbigay ng anumang pahayag o komento kaugnay sa mga isinasagawang community pantry initiatives. Ayon kay Esperon, […]
-
Tanong niya, “Lord what I have done to deserve this kind of love’: MAINE, ginawang ‘prinsesa’ ni ARJO sa sobrang pagmamahal at pag-aalaga
LAST Sunday, August 28, after one month ng kanilang pinag-usapang engagement, sabay na nag-post ng isang nakaka-touch na video sina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa kani-kanilang Instagram account. Nilagyan nila ito ng caption na, Been a month and it still feels surreal. Me and you, what a feeling. 💍” Mapapanood nga […]