Giit na walang nangyaring plundemic sa govt funds: Sec. Roque, niresbakan si Senador Pacquiao
- Published on September 16, 2021
- by @peoplesbalita
KAAGAD na binutata ng Malakanyang ang tila pinauuso ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao na salitang “plundemic” o plunder sa public funds habang patuloy na nakikipaglaban ang pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.
Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, walang nangyaring pandarambong sa public funds sa panahon ng covid-19 pandemic.
Sinabi kasi ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao, sa pagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee hearing na ang paggasta ng pamahalaan sa Covid-19 funds, ay isang uri ng “plundemic,” o plunder sa panahon ng pandemiya.
Tila ipinamukha ni Sec. Roque kay Pacquiao ang ipinalabas na paglilinaw ng Commission on Audit (COA) ukol sa natuklasan nitong “deficiencies” sa pamamahala ng Department of Health (DOH) sa pandemic funds ay hindi kapani-paniwalang may bahid ng korapsyon.
“Well, nagkaroon na po ng paglilinaw dito ang COA. Sa kaniyang report po sa DOH, hindi po niya ever sinabi na ever nagkaroon ng pandarambong. So, wala pong ‘plundemic’ na sinasabi ,” anito.
Idinaagdag pa ni Sec. Roque na ang COA’s 2020 audit report sa DOH ay nagbibigay diin lamang sa kabiguan ng departamento na hawakan P67.32 bilyong piso na Covid-19 response funds.
“Ang sinasabi nga po ng COA, nais nilang magkaroon ng linaw kung bakit ‘yung ilang mahahalaga pong salapi na ibinigay sa DOH ay hindi nga po ginastos ,” aniya pa rin.
Kahapon, araw ng LUnes ay sinabi ni Pacquiao sa isang panayam na “mismanaged” ang Covid-19 response efforts ng gobyerno bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.
Naniniwala si Pacquiao, na ang Covid-19 pandemic ay hindi pa nareresolba dahil na rin sa patuloy na paglala ng situwasyon sa bansa.
Ang buwelta naman ni Sec. Roque, hindi nakakagulat ang pahayag ng senador lalo pa’t malapit na ang halalan sa bansa.
“Hindi po ako nagtataka na iyan ang kaniyang pakiramdam dahil panahon na po ng politika,” anito.
Nag-ugat ang hind pagkakaunawaan sa pagitan nina Pacquiao at Pangulong Duterte nang sabihin ng una ang kanyang alegasyon na may korapsyon laban sa ilang opisyal ng pamahalaan.
Nagpahayag din si Pacquiao ng hangarin nitong tumakbo sa pagka-pangulo sa Eleksyon 2022.
Tila tinuruan naman ni Sec. Roque si Pacquiao, nang sabihin niya rito na ang presensiya ng maraming nakahahawang Delta coronavirus variant ang naging dahilan kung bakit sumirit ang Covid-19 infections.
“Ang totoo po niyan, ang problema, si Delta variant because it is five to eight times more infectious. So talagang dadami po ang mga kaso natin diing pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Filipinas, 7 iba pang teams, pinuri ng FIFA sa World Cup
Pinuri ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup. Matatandaang kabilang ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup. Sisipa ang FIFA Women’s World […]
-
1 ARESTADO NG NBI SA PAGBEBENTA NG ENDANGERED WOOD SPECIES
ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang isang lalaki na naaktuhan na nagbebenta ng endagered wood species na “Agarwood”,isang uri ng kahoy ,ginagamit sa paggawa ng mamahaling pabango,kamakalawa sa may North Fairview,Quezon City. Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ,nakumpiska ang may 6.46 kilos na […]
-
‘Censorship ito’: Facebook sinuspinde raw tagapagsalita ni Bongbong Marcos
SUSPENDIDO raw mula sa Facebook ang account ng tagapagsalita ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Vic Rodriguez, ayon sa kanya. Ang sinasabing pagka-suspinde ay nangyayari ngayong fina-flag ang maraming accounts sa paglabag ng community standards ng social media platform bago halalan. Ito ang ibinalita ni Rodriguez, Martes, na […]