Gilas coach Tim Cone inako ang buong pagkatalo nila sa Chinese Taipei
- Published on February 24, 2025
- by Peoples Balita
INAKO na ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang nakakabiglang pagkatalo nila sa Chinese Taipei sa last window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.
Sinabi nito na dapat ay talagang pinaghandaan nilang mabuti ang nasabing laro.
Ito ang unang pagkatalo ng Gilas Pilipinas sa Chinese Taipei mula noong 2013.
Giit nito na maraming mga pagkakamaling nagawa ang Gilas at walang dapat na sisihin sa pagkatalo nila kung hindi ang coach.
Magugunitang tinalo ng Chinese Taipei ang Gilas Pilipinas 91-84 sa kanilang paghaharap nitong gabi ng Huwebes.
Ilan sa mga maituturing na susi ng panalo ng Chinese Taipei ay ang dalawang naturalized player nila na sina Mohammad Al Bachir Gadiaga at Brandon Gilbeck .
Mayroon ng apat na panalo at isang talo ang Gilas sa Group B kung saan makakaharap nila ang New Zealand sa araw ng Linggo at ang mananalo dito ay tatanghaling group winners.
-
PH COVID-19 cases pumalo na sa 471,526; nadagdagan ng 886: DOH
Pumalo na sa 471,526 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH). Sa ikatlong sunod na araw, nag-ulat ang ahensya ng mababa sa 1,000 bagong kaso ng coronavirus. Ngayong Martes, nag-report ang DOH ng 886 new cases. “9 labs were not able to submit their data to […]
-
SSS sa mga miyembro, magsimula nang mag-impok para sa retirement
HINIKAYAT ng State-run Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito na simulan na ang mag-impok para sa kanilang retirement sa ilalim ng muling ipinakikilalang savings program na maaaring umani ng mas mataas na annual return. Sa isang kalatas, sinabi ni SSS president at CEO Rolando Macasaet na ang mga miyembro ay […]
-
Donaire, negatibo sa confirmatory test; umaasang tuloy ang Rodriguez bout
Umaasa si dating four-division world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire na matutuloy na ang sagupaan nila ni Puerto Rican boxer Emmanuel Rodriguez. Ito’y makaraang lumabas ang resulta ng kanyang confirmatory test na nagnegatibo ito sa COVID-19. Ayon kay Donaire, kinailangan niya at ng kanyang asawa at manager na si Rachel na sumailalim […]