Gilas maghahanda sa resbak ng SoKor
- Published on September 4, 2021
- by @peoplesbalita
Paghahandaan ng Gilas Pilipinas ang pagresbak ng South Korea sa 2023 FIBA World Cup Qualifiers na nakatakdang magsimula sa Nobyembre.
Dalawang beses tinalo ng Pilipinas ang South Korea sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na ginanap sa Clark, Pampanga.
Una ang 81-78 panalo ng Pinoy squad laban sa Koreans sa kanilang unang paghaharap noong Hunyo 16 kasunod ang 82-77 pananaig noon namang Hunyo 20.
Kaya naman alam ng Gilas Pilipinas na babawi ang South Korea sa oras na muling magkrus ang dalawang mortal na magkaribal sa asian basketball tournament.
Excited na si naturalized player Angelo Kouame na muling makasagupa ang South Korea na itinuturing nitong isang matinding challenge para sa kanila.
“It’s a good challenge (playing with South Korea),” ani Kouame.
Base sa ginanap na draw para sa FIBA World Cup Qualifiers, nasa Group A ang Pilipinas kasama ang South Korea, New Zealand at India.
Magsisimula ang first window sa Nobyembre kung saan ipatutupad ang home-and-away format.
Kaya naman bago sumabak sa laban, target ni Samahang Basketbol ng Pilipinas program director Tab Baldwin na hasain na ang kanyang tropa.
Sa Oktubre, inaasahang muling papasok ang Gilas Pilipinas sa bubble training.
Sasabak din ang tropa sa ilang pocket tournaments at tune-up games.
“What we need to do right now is to identify the possible tournaments we can join. There might be out-of-the-country gigs too. This is to strengthen our team and continuously improve heading into 2023,” ani Baldwin.
-
MISIS TODAS, MISTER KRITIKAL SA ISUZU WING VAN
NASAWI ang isang misis habang nasa kritikal naman na kalagayan ang kanyang mister matapos ng isang Isuzu aluminum wing van salpukin ang kanilang sinasakyang bisikleta sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Si Warlita Samano, nasa hustong gulang at residente ng 74 Orchids St. Brgy. Longos, Malabon City ay died on the spot sanhi […]
-
PATAPE: Reinventing Education for Relevance and Quality
THE Senate Committee Chairman for Basic Education, Honorable Senator Sherwin Gatchalian was the Keynote Speaker for this year’s Philippine Academy of Teachers, Administrators and Practitioners in Education (PATAPE) event as it organizes a privileged meeting with the theme, “PATAPE: Reinventing Education for Relevance and Quality” held last Saturday, August 27, 2022 at Novotel Manila Araneta […]
-
Ads April 29, 2022