Gilas nagparamdam agad sa Doha
- Published on February 17, 2025
- by Peoples Balita
NAGPASIKLAB agad ang Gilas Pilipinas nang hiyain nito ang host Qatar via 74-71 come-from-behind win kahapon sa 2nd Doha Invitational Cup na ginaganap sa Qatar University Sports and Events Complex.
Nabaon ang Gilas Pilipinas sa 11 puntos sa huling kanto ng laban.
Kaya naman agad na rumesponde ang Pinoy squad.
Naglatag ang Gilas ng 23-11 atake sa likod nina Dwight Ramos, Justin Brownlee at AJ Edu para makuha ang unang panalo nito.
Nanguna para sa Gilas si Dwight Ramos na kumana ng 15 puntos tampok ang tatlong three-pointers kasama pa ang dalawang rebounds at dalawang assists.
Nagdagdag naman si eight-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ng 12 puntos, pitong boards at dalawang assists habang naglista si Brownlee ng 10 puntos, limang rebounds at limang assists.
Nag-ambag din si Scottie Thompson ng 10 puntos samantalang nagparamdam si Edu tangan ang anim na puntos at 10 boards.
Solido ang opensa ng Gilas na nakakuha pa ng pitong puntos at limang rebounds mula kay two-time UAAP MVP Kevin Quiambao na miyembro ng Goyang Sono Skygunners sa Korean Basketball League.
-
PBBM sa Kongreso, aprubahan ang 2025 budget na may kaunting rebisyon
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga mambabatas na aprubahan ang executive-crafted National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2025 sa kanilang ” usual timely manner” at umaasa na mayroon lamang na kaunti hanggang sa walang rebisyon o pagwawasto. “We look to the cooperation of our colleagues in the legislature, not only that our […]
-
Sandra Cam dawit sa kasong murder – NBI
Nirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkaso ng murder kay Philippine Charity Sweepstakes board member Sandra Cam, kasama pa ang anak nito, sa pagpaslang kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III. Dawit din sa kasong murder sina Nelson Cambaya, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito de Luna at Rigor dela Cruz, na […]
-
Ginebra tinuldukan na ang dalawang sunod na talo matapos talunin ang Aces 87-81
TINULDUKAN na ng Barangay Ginebra ang dalawang sunod na pagkatalo matapos talunin ang Alaska 87-81. Bumida sa panalo ng Gins si Stanley Pringle na nagtala ng 31 points. Nakagawa naman ng tig- 14 points sina Japeth Aguilar at Aljon Mariano. Mayroon ng limang panalo at dalawang talo ang Ginebra habang ang Aces ay […]