Gilas Pilipinas ensayo agad!
- Published on June 29, 2021
- by @peoplesbalita
Matapos lumabas ang negatibong resulta ng swab test, diretso ensayo agad ang Gilas Pilipinas para paghandaan ang dalawang matinding laban na pagdaraanan nito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia.
Agad na sumalang sa pukpukang training ang Gilas Pilipinas para pagpagin ang kalawang sa mahabang biyaheng pinagdaanan nito patungong Belgrade.
Ikinasa agad ni Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin ang magiging game plan ng kanyang bataan laban sa host Serbia at Dominican Republic na parehong bigating koponan.
Masaya si Baldwin sa itinatakbo ng kanyang programa sa Gilas Pilipinas.
Ngunit alam nitong masusubukan ng husto ang kanyang bataan sa Belgrade.
Nilinaw din ni Baldwin na wala pang plano kung mananatili ito bilang head coach ng Gilas Pilipinas.
“This is a program, and we’re happy right now. It feels good after winning, but this thing, we’re gonna hit speed bumps and when we do, we have to assess: How do we conquer the next mountain?,” ani Baldwin.
Handa rin itong magsakripisyo sakaling magkaroon ng pagbabago sa coaching staff gaya ng sakripisyong ginagawa ng mga players na hindi napapasama sa Final 12 ng koponan.
“And if that means a coaching change, then I have to make the same sacrifice as Jaydee Tungcab and Javi Gomez De Liano made. They have to step aside when they’re called to do that, while I will have to do the same thing,” ani Baldwin.
Matagal nang nasa Pilipinas si Baldwin at naitanim na sa puso nito ang bandila ng Pilipinas.
-
Ads August 31, 2021
-
Vulcanizing, talyer, carwash, dapat bang payagan sa mga pangunahing lansangan?
MARAMING reklamo ang natatanggap ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa mga talyer, carwash, vulcanizing shops at iba pang katulad na negosyo na ginagawang “motorshop” ang mga bangketa at lansangan. Ito yung mga carwash services na walang sariling lugar ay sa kalsada nagpapaligo ng sasakyan. Mga talyer o motorshops na ang […]
-
DA, hinikayat ang lokal na tomato farmers na makipag-ugnayan para sa ‘direct market linkage’
HINIKAYAT ng Department of Agriculture (DA) ang lokal na tomato farmers na makipag-ugnayan para sa direct market linkages sa gitna ng harvest season. Ito’y matapos na ang farmgate price ng kamatis ay napaulat na bumaba sa P4 per kilogram hanggang P5/kg sa ilang lugar. Sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na maaaring magbigay […]