Gilas Pilipinas kasama ang South Korea sa Group A ng FIBA World Qualifiers
- Published on September 3, 2021
- by @peoplesbalita
Makakasama ng Gilas Pilipinas sa Group A ng 2023 FIBA World Cup Qualifiers ang New Zealand at South Korea.
Nasa Group B naman ang Australia, China, Japan at Taiwan.
Habang sa Group C ay ang Jordan, Lebanon, Indonesia at Saudi Arabia.
Pinangunahan naman ng bansang Iran ang Group D kasama ang Kazakhstan, Syria at Bahrain.
Gaganapin ang first window ng home-and-away sa Nobyembre habang ang susunod n window para sa first round schedule ay sa Pebrero, Hunyo at Hulyo sa susunod na taon.
Ang tatlong koponan sa bawat grupo ay aabanse na sa ikalawang round.
Huling nagharap ang Pilipinas at South Korea ay noong nakaraang dalawang buwan sa Asia Cup qualifiers sa Clark kung saan nagwagi ang Gilas 81-78.
Ang pinakamataas na panalo ng Pilipinas sa FIBA World Cup ay noong 1954 sa Rio de Janeiro kung saan nakuha nila ang bronze medal kasama si Carlos Loyzaga.
-
Speaker Romualdez, ikinalugod ang pagbagal ng inflation; Kamara, patuloy na magbabantay
POSITIBO ang pagtanggap ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa naging pagbaba ng inflation rate ng bansa. Kasabay nito ay muling iginiit ni Romualdez ang patuloy na pagsuporta ng Kamara sa administrasyong Marcos upang mapalakas ang ekonomiya ng bansa at pagtiyak na abot-kaya ng mga bilihin. Ayon sa House leader, ang pagbaba […]
-
Pres. Duterte aprubado na ang batas sa pagbibigay ng compensation sa 2017 Marawi siege
APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naggagarantiya ng compensation para sa mga biktima ng 2017 Marawi siege. Ito ay matapos na lagdaan ng Pangulo ang Republic Act No. 11696 o ang Marawi Siege Victims Compensation Act of 2022. Ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, ang naturang batas […]
-
Ads June 6, 2022