• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas Pilipinas mamanduhan ni Uichico

Pinangalanan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si veteran mentor Jong Uichico upang maging head coach ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup Qualifiers na lalarga sa Nobyembre 27 hanggang 30 sa Manama, Bahrain.

 

Inihayag kahapon ni SBP president Al Panlilio ang anunsiyo kung saan makakasama ni Uichico sa c­oaching staff sina assistant coach Boyet Fernandez at SBP program director Tab Baldwin.

 

Bagong pagsubok ito para kay Uichico lalo pa’t binubuo ang Gilas Pilipinas ng mga batang players.

 

“It’s a welcome challenge. It’s something new but it’s always a welcome challenge. We’re trying to do the best we can, we’re trying to make them ready for the international game. We’re trying to keep things as simple as possible,” ani Uichico.

 

Nakasentro ang atensiyon ng coaching staff sa pagbuo ng chemistry dahil ilang linggo pa lamang magkakasama ang 16-man pool sa training bubble nito sa Calamba, Laguna.  Subalit mataas ang moral ni Baldwin sa magiging laban ng Gilas.

 

Nagpasya ang SBP na magpadala ng all-cadet lineup sa qualifiers sa kabila ng availability ng mga PBA players na lumabas na sa bubble sa Clark, Pampanga.

 

Ayon kay Panlilio, matagal na itong plano ng asosasyon bilang bahagi ng development program nito at para mabigyan din ng exposure ang Gilas cadets.

 

“This team is the youngest we send to battle, fresh college graduates or still in the university. When called to service you have accepted without reservations. For this we have our deepest thanks,” ani SBP Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan.

 

Nakatakdang umalis ang delegasyon sa Linggo.

 

Matindi ang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas dahil sasalang ito sa apat na sunud-sunod na laro.

 

Una na ang Thailand sa Nobyembre 27 kasunod ang South Korea sa Nobyembre 28 at Indonesia sa Nobyembre 29.

 

Sa huling araw ng kumpetisyon sa Nobyembre 30, muling sasalang ang Gilas kontra sa Thailand

Other News
  • Grupo ng provincial bus, umaapela ng full operation sa NCR

    TODO NGAYON  ang apela ang isang grupo ng provincial bus operators sa gobyerno na makabiyahe ang lahat ng kanilang bus units sa Metro Manila.     Ayon kay Alex Yague, executive director ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas Inc, nasa 15 porsiyento lang ng mga may dating prangkisa ang tumatakbo ngayon. […]

  • PDu30, galit na binuweltahan si De Lima

    GALIT na binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Sen. Leila de Lima makaraang kastiguhin ng senadora ang kabiguan di umano ng Chief Executive na pamunuan ang COVID-19 crisis sa Pilipinas.   Nauna nang sinabi ni de Lima kay Sen. Christopher “Bong” Go na “stop covering up for your boss and misleading us on his […]

  • PROGRAMA KONTRA POLIO, IPAGPAPATULOY

    IPAGPAPATULOY  ng Department of Health (DOH) sa tulong ng World Health Organization o WHO at United Nationsd Childrens Fund  (UNICEF) ang programa kontra polio upang labanan ang poliovirus outbreak  sa Pilipinas. Isasagawa sa Mindanao ang susunod na yugto ng programa ng DOH ang  “Sabayang Patak Kontra Polio” campaign na magsisimula sa  ngayong July 20 hanggang […]