Gilas Pilipinas may friendly game muna bago ang FIBA Asia Cup Qualifiers
- Published on January 29, 2025
- by Peoples Balita
GAGAMITIN ng Gilas Pilipinas ang lalahukan nilang friendly games bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers.
Aalis ang Gilas patungong Doha sa Pebrero 13 para lumahok sa International Friendly Basketball Championship sa Qatar.
Mula Pebrero 14 hanggang 16 ang laro na lalahukan ng host country na Qatar, Egypt, Lebanon at Pilipinas.
Makakasama nila si Troy Rosario na siyang pumalit sa injured player na si Kai Sotto.
Tiwala si Gilas coach Tim Cone sa 6 -foot-6 na si Rosario na kayang dalhin ang koponan at umaasa itong mapipili ito sa final roster.
Kabilang kasi si Rosario ng magwagi ng tatlong gintong medalya ang Gilas sa Southeast Asian men’s basketball.
Unang makakaharap ng Gilas sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers ang Taiwan sa Pebrero 20 habang ang New Zealand ay sa Pebrero 23.
-
Umano’y massive dropout sa online class, pinabulaanan ng DepEd
Pinabulaanan ng Department of Education (DepEd) ang ulat na maraming estudyante ang nag-dropout sa mga paaralan dahil sa mga hamon sa distance learning. Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, pinaberipika niya ang report sa kanilang mga regional offices, ngunit wala aniyang nagkumpirma na maraming estudyanteng nag-dropout sa kanilang online class. Karaniwan […]
-
Sen. Manny, ‘di talaga approve sa pagbo-boxing ni Jimuel
WALA raw problema kay Senator Manny Pacquiao ang pagiging celebrity din ng kanyang mga anak. Ang panganay na si Jimuel ay isa nang amateur boxer. Si Michael ay nakikilala sa kanyang pagiging musician at si Princess naman ay isang vlogger. Pero inamin ni Pambansang Kamao na sa mga ginagawa ng kanyang mga anak, […]
-
NAIA nilagyan ng TNVS hub
NILAGYAN ang metered taxis at ride-hailing services ng isang dedicated hub sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Naglalayon ang transport network vehicle service (TNVS) hub na maging maganda at maayos ang daloy ng trapiko sa pamamagitan ng pagbabawas ng curbside congestion sa drop-offs at pick-ups sa NAIA Terminal 3. […]