Gilas Pilipinas nabigo sa kamay ng Lebanon 75-54
- Published on February 18, 2025
- by Peoples Balita
NABIGO ang Gilas Pilipinas sa kamay ng Lebanon 75-54 sa 2nd Doha International Cup.
Mayroon ng isang panalo at isang talo ang Gilas sa friendly game bago ang 3rd window ng FIBA Asia Cup.
Nasayang ang 21 points, 11 rebounds ni Justin Brownlee habang mayroong seven points si Scottie Thompson.
Nagtala rin ng 10 points si Calvin Oftana, 6 points kay AJ Edu at limang puntos naman ni Dwight Howard.
Tiniyak naman ni Gilas coach Tim Cone na kanilang pag-aaralan ang naging kakulangan nila sa laro kung saan mayroong adjustment silang gagawin para sa pagharap nila sa Egypt bago ang pag-uwi nila sa bansa.
-
39 Pinoy nananatili pa rin sa Gaza
KINUMPIRMA ni Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac na nasa 39 Pinoy, na nananatili pa rin sa Gaza, ang inaasahang makatatawid na rin sa Rafah border patungong Egypt, sa lalong madaling panahon. Ayon kay Cacdac, base sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 98 na ang mga […]
-
Cha-cha, dapat nakatuon sa paghikayat sa mga potential investors
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pag-aaral para amiyendahan ang 1987 Constitution ay dapat na nakatuon sa kung paano aakitin at hihikayatin ang mas maraming investors sa bansa. Sa isang ambush interview sa Muntinlupa City, hiningan kasi si Pangulong Marcos ng reaksyon sa kamakailan lamang na panawagan ng Mababang Kapulungan […]
-
PBBM sa mga pinoy, alalahanin ang mga biktima ng bagyo ngayong Pasko
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Filipino, araw ng Lunes na alalahanin ang mga biktima ng bagyo at paghihirap ng mga ito ngayong Kapaskuhan. “Sana naman pagkadating ng Pasko, tayong mga Pilipino, alalahanin natin ang ating mga kababayan na nasalanta,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. Inihayag ito ng Pangulo […]