• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas Pilipinas nag start ng mag practice

Walang sinasayang na panahon si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na simulan ang ensayo nila kahit wala pang mga pangunahing manlalaro nila.

 

Ang nasabing ensayo ay bilang paghahanda ng ika-anim at huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Pebrero sa bansa.

 

Ayon kay Reyes na ginamit na lamang nito at sinanay ang ilang mga baguhan gaya nina Jerom Lastimosa, Mason Amos at Schonny Winston.

 

Nakasabay ng mga baguhang manlalaro si Gilas veteran JuneMar Fajardo.

 

Masyado pa maaga pa ngayon aniya kung mayroon na itong napipiling final 12 na isasabak sa nabanggit na torneo.

 

Makakalaban ng Gilas ang Jordan sa Pebrero 24 habang sa Pebrero 27 ay ang Lebanon na gaganapin ang mga ito Philippine Arena. (CARD)

Other News
  • Halos 400 million na mga bata sa buong mundo, dumaranas ng maranas na pagdidisiplina – UNICEF

    Dumaranas umano ng marahas na pagdidisiplina sa kanilang mga tahanan ang halos 400 milyong mga bata sa buong mundo, batay sa isinagawang pag-aaral ng UN Children’s Fund (UNICEF).         Ang mga naturang bata ay may edad 5 pababa kung saan natukoy na dumaranas sila ng pangmamaltrato, physical at psychological discipline katulad ng […]

  • Sa September na siya manganganak… RIA, kinumpirma na lalaki ang first baby nila ni ZANJOE

    KUMPIRMADONG lalaki ang magiging first baby ng celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo, na kanilang in-announce sa naganap na surprise baby shower last Sunday, July 21 na Marquis Events Place, BGC, Taguig City. At sa imbitasyon na pinadala, may hint na baby boy ang ipinagbubuntis ng anak nina Art Atayde at Sylvia […]

  • Philippines-China agreement, makatutulong na buhayin muli ang local steel industry — envoy

    MAKATUTULONG na muling buhayin ang  steel industry ng bansa ang nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China.     “Kung titingnan po natin iyong 14 agreements, nakikita po naman natin na mukhang solid naman ang mga proyekto na nasa table ngayon. Halimbawa po, iyong agreement ng Baowu Steel at SteelAsia,” ayon kay Philippine Ambassador […]