• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas Pilipinas nagdagdag ng mga manlalaro para ensayo nila

NAGDAGDAG ng dalawang manlalaro ang Gilas Pilipinas para sa kanilang paghahanda sa ilang mga laro nila sa mga susunod na araw.

Ayon kay Gilas program director and team manager Alfrancis Chua, na idinagdag nila sina RJ Abarrientos at Ralph Cu sa training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Magsisimula ang training camp ngayong Martes at sila magtutungo ang Gilas sa Qatar sa Pebrero 13 para sa 2nd Doha International cup na isang friendly games.

Dagdag pa ni Chua na ang dalawa ay hahalili sa ilang manlalaro na nagpapahinga matapos na magtamo ng maliit na injury gaya nina Justin Brownlee at Troy Rosario.

Makakasama naman sa training camp sina AJ Edu, Kevin Quiambao at Dwight Ramos habang si Carl Tamayo ay didiretso na sa Doha.

Magugunitang pagkatapos ng friendly games sa Doha ay diretso na ang Gilas Pilipinas sa third window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers sa Taiwan at New Zealand.

Other News
  • Bibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng OFW na si Mary Anne Daynolo

    TUTUPARIN ng pamahalaan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng Pinay worker na si Mary Anne Daynolo.   Si Mary Anne Daynolo ay isang OFW na nawawala mula noong March 4, 2020 10:30 PM (Abu Dhabi time) sa kanyang pinagtatrabuhan sa The St. Regis Saadiyat Island Resort, Abu […]

  • Hamon ni Yorme Isko Moreno sa gobyerno, bahala na ang DILG- Sec. Roque

    IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang naging pahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na itutuloy ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila ang implementasyon ng EO 42 sa paggamit ng face shield sa kabila ng apela ng pamahalaan sa Local Government Units (LGUs) na manatiling […]

  • July 8, 2024 Araw ng pagtatapos

    PERSONAL na dumalo si Mayor John Rey Tiangco sa araw ng pagtatapos ng mahigit 347 skilled workers sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute, bilang ng pagdiriwang ng ika-17 anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas. Sa kanyang mensahe, binati at ibinahagi ni Mayor Tiangco sa mga nagsipagtapos ang mga sikreto ng tagumpay. (Richard Mesa)