Gilas Pilipinas nanatili pa rin sa No. 31 sa world rankings – FIBA
- Published on August 16, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi nabago ang puwesto ng Pilipinas sa ika-31 sa buong mundo sa FIBA World rankings matapos ang Tokyo Olympics.
Batay sa latest FIBA report ang Gilas Pilipinas ang ika-anim na best team sa Asia-Pacific kung saan nangunguna ang Australia na nasa No. 3 sa buong mundo.
Nagbigay naman bigat sa puwesto ng bansa ay ang mga panalo na naiposte sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.
Gayunman sa ginanap na FIBA Olympic Qualifying Tournament ay hindi na umubra ang mga Pinoy sa Belgrade tourney nang itumba sila ng Serbia at Dominican Republic.
No. 1 pa rin sa buong mundo ang USA at pangalawa ang Spain.
Ang Slovenia ang kasama sa may malaking pagbabago dahil sa performance ni Luka Doncic kung saan umakyat ito sa 12 puwesto na ngayon ay nasa No. 4 na upang lampasan pa ang silver medalist na France na pumwesto sa No. 5.
Ang China naman ay No. 28 habang ang Korea ay pang-29.
-
2 GURO KABILANG SA MGA BAGONG SCHOLAR NG NAVOTAS
DALAWANG guro sa pampublikong paaralan ang nabigyan ng scholarship sa ilalim ng NavotaAs Academic Scholarship Program para sa paparating na school year 2024-2025. Pumirma ng memorandum of agreement si Mayor John Rey Tiangco kasama si Navotas Schools Division Superintendent Meliton Zurbano at 28 benepisyaryo ng nasabing programa. Kabilang sa […]
-
Pagkakaantala sa pagpapatupad ng stay safe , bunga ng burukrasya -Sec. Roque
KUMBINSIDO si Presidential Spokesperson Harry Roque na napigilan sana ang pagsirit sa kaso ng COVID 19 kung walang nangyaring pagkaantala sa pagpapatupad ng stay safe. Ani Sec. Roque, malaking ambag sana ang implementasyon ng Stay safe para sa epektibong contact tracing. Ang paggamit aniya sana ng teknolohiya o ang tinatawag na digital contact […]
-
PBBM, ipinag-utos sa DOH na paigtingin pa ang bakunahan ng booster shot sa bansa
SINABI ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay hindi pa nakakamit ng lahat ng rehiyon sa Pilipinas ang kanilang 50 percent target population sa bakunahan naman ng booster shot. Habang ang National Capital Region (NCR) naman aniya ang pinakamalapit nang maabot ang target na umaabot na sa 43 percent ng target […]