• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas Pilipinas pamatayang 3 sentro – Fajardo

MAGIGING astig ang gitna ng Gilas Pilipinas para sa 19th International Basketball Federation (FIBA) World Cup 2023 na mga iho-host ng bansa sa pamamagitan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas,  Japan at Indonesia.

 

 

Ito ang nakikita ni veteran internationalist June Mar Fajardo dahil sa trio center ng national men’s basketball team para sa quadrennial hoopfest.

 

 

Pinatutumbukan niya sina National Basketball League (Australia)-bound 7-foot-3 Kai Zachary Sotto, newly-naturalized 6-10 Kakou Ange Franck Williams ‘Angelo’ Kouame at US National Collegiate Athletic Association (NCAA) Division 1 school (Toledo) at dating Batang Gilas member 6-10 Ariel John ‘AJ’ Edu.

 

 

“Malakas ang tatlong  iyan,” wika ng six-time Philippine Basketball Association Most Valuable Player na naglalaro sa San Miguel Beer sa 2OT podcast nitong isang araw.

 

 

Kinukunsidera pa rin ng SBP ang 31-anyos at 6-10 na sentro buhat sa Cebu na sumabak sa Pinoy quintet sa World Cup, pero iyon aniya ay depende na lang sa kanyang kalagayan kapag dumating ang nasabing panahon.

 

 

“Maglalaro ako kasi makaling karangalan, pero depende kung ano ang takbo ng panahon. At kung puwede pa naman akong maglaro,” wakas na wika ni ‘The Kraken’ na beterano na ng dalawang World Cup noong 2014 sa Spain at 2019 sa China. (REC)

Other News
  • MPTC, SMC magsasagawa ng RFID “interoperability test”

    Ang Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) at San Miguel Corp. group ay magsasagawa ng testing para sa “interoperability” ng kanilang radio frequency identification cashless toll payment systems na magiging parte ng kanilang plano na gumamit ng iisang RFID sticker sa lahat ng expressways.   Nilagdaan noong December 4 ang isang kasunduan sa pagitan ng dalawang […]

  • NILAGDAAN ni Mayor John Rey Tiangco

    NILAGDAAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina FCSupt Nahum B. Tarroza, Regional Director ng Bureau of Fire Protection–National Capital Region; FSupt Jude G. de los Reyes, City Fire Marshal; at Jayne B. Rillon, City General Services Officer ang usufruct agreement para sa 444-square meter lot sa Brgy. Navotas East na pagtatayuan ng karagdagan fire […]

  • PBBM, committed na tiyakin ang Energy Security ng Pinas, tinintahan ang Malampaya Service Contract 38

    SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang kanyang administrasyon ay  committed na tiyakin ang  energy security sa bansa.     Kasabay nito ay ang paglagda, araw ng Lunes sa Service Contract (SC) 38 renewal agreement para sa  Malampaya Deep Water Gas-to-Power Project.     “As we renew Service Contract (SC) 38, we optimistically […]