Gilas Pilipinas pinayagan ng mag-training sa Laguna
- Published on April 27, 2021
- by @peoplesbalita
Pinayagan na ang Gilas Pilipinas na magsagawa ng training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na binubuo ito ng mga full-time Gilas Pilipinas players na pinili ng SBP mula 2019 at 2021 PBA Rookie drafts ang kabilang sa training camps.
Kinabibilangan ito naina Rey Suerte, Mike at Matt Nieto, Isaac Go ng batch 2019, William Navarro, Jaydee Tungcab, Jordan Heading at Tzaddy Rangel mula sa batch 2021.
Inaasahan din na makakasama si Ateneo center Ange Kouame, SJ Belangel, RJ Abarrienteso, Carl Tamayo, Jason Credo, Geo Chiu at Lebron Lopez.
Una ng nagsagawa ng training ang Gilas noong Enero para sa FIBA Asia Cup qualifiers subalit natigil ito ng ipagpaliban ang tournament.
Isinagawa muli ang training noong Marso subalit natigil muli ng magpatupad ang gobyerno ng paghihigpit ng quarantine protocols.
Pinaghahandaan ngayon ng Gilas Pilipinas ang FIBA Asia Cup 2021 qualifiers na magsisimula sa Hunyo 16 hanggang 20 sa Clark, Pampanga ganun dina ng FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia mula June 29 hanggang July 4.
-
Eala naka-2 Grand Slam titles na
Muling iwinagayway ni Alex Eala ang bandila ng Pilipinas sa world stage matapos masikwat ang girls’ doubles title sa prestihiyosong French Open na ginaganap sa Stade Roland Garros sa Paris, France. Nakatuwang ni Eala si Russian partner Oksana Selekhmeteva kung saan matikas na pinataob ng dalawa sina Russian Maria Bondarenko at Hungarian Amarissa […]
-
Davao mafia,’ pagkakilanlan ng ‘reyna’ sa susunod na pagdinig ng Quad
NANGAKO si dating Customs intelligence officer Jimmy Guban na ibubunyag niya ang nasa likod ng sinasabing “Davao mafia” at pagkakilanlan ng “queen” na kanilang pinoprotektahan at ilalagak bilang presidente sa 2028 sa tamang panahon. Hiniling ni Guban, whistleblower sa Quad Comm, ng dagdag panahon upang ihayag ang mga impormasyon na kanyang nalalaman dala na […]
-
Mababasa sa libro ng ‘Shazam’ star na ‘Radical Love’: ZACHARY LEVI, naging open sa mga pinagdaanang mental health struggles
DAHIL sa critically-acclaimed performance ng Filipino actress na si Dolly de Leon sa Palme d’Or winning Swedish film na Triangle of Sadness, pinapirma siya ng artist company na Fusion Entertainment para sa management ng kanyang acting career. Ang naturang artist management company ang siyang mag-represent kay Dolly sa mga offers nitong for film […]