• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas reresbak sa Saudi

IBUBUHOS na ng Gilas Pilipinas ang lahat upang masikwat ang panalo laban sa Saudi Arabia sa pagpapatuloy ng fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

Magtutuos ang Gilas Pilipinas at Saudi sa alas-7 ng gabi kung saan inaasahang daragsain ang venue upang suportahan ang Pinoy cagers sa laban nito.

 

 

Inaabangan na ng lahat ang debut ni NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz sa harap ng mga Pinoy fans.

 

 

Ito ang unang pagkakataon na maglalaro si Clarkson sa Maynila kaya’t excited na rin ang Filipino-American cager na maramdaman ang init ng suporta ng mga Pilipino.

 

 

Bago ang laro, bumisita pa si Clarkson sa Tenement Basketball Court sa Taguig para masilayan ang mga fans nito doon kahapon.

 

 

Makakasama ni Clarkson si 7-foot-3 center Kai Sotto ng Adelaide 36ers na bumiyahe pa mula sa Adelaide, Australia para makasama ang Gilas Pilipinas sa fourth window.

 

 

Lamang ang Gilas Pilipinas sa Saudi kung height at talento ang pag-uusapan.

 

 

Nariyan din sina reig­ning PBA MVP Scottie Thompason, Japeth Aguilar at Dwight Ramos na may pinakamataas na efficiency rating sa kanilang huling laro.

 

 

Desidido ang Gilas Pilipinas na makabawi mula sa masaklap na 81-85 kabiguan sa kamay ng Le­banon noong Biyernes sa Beirut, Lebanon.

 

 

Kaya naman ilalabas ng Gilas Pilipinas ang lahat para makabalik sa porma ang tropa at mabigyan ng magandang laro ang mga Pinoy fans.

 

 

Laban sa Lebanon, humataw si Clarkson ng 27 puntos habang nakalikom naman si Ramos ng 18 puntos mula sa 5-of-11 field goal shooting.

 

 

Mawawala naman sa lineup ng Gilas si Carl Tamayo na bumalik na sa kampo nito sa University of the Philippines.

 

 

Nakatakdang tumulak ang Fighting Maroons sa South Korea para sumalang sa ilang tuneup games laban sa mga koponan ng Korean Basketball League (KBL) bilang paghahanda sa UAAP Season 85 title defense ng UP.

 

 

Papalitan ni Roosevelt Adams si Tamayo sa lineup.

 

 

Nagsilbing reserve lamang si Adams sa laban ng Pilipinas at Lebanon.

Other News
  • 4 todas sa sunog sa printing office sa Valenzuela

    NASAWI ang apat manggagawang kalalakihan sa isang printing office matapos sumiklab ang sunog sa kanilang tanggapan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Hindi muna pinangalanan ni Valenzuela Fire Marshal Supt. Ana Mae Legaspi ang apat na nasawing trabahador na na-trap makaraang sumiklab ang sunog sa pinaglilingkurang Printing Press sa 2067 Lamesa St. Brgy. […]

  • Competency o kakayahan, pangunahing criteria sa pagtatalaga bilang Marcos admin officials

    WALANG  palakasan at political connections sa pagtatalaga bilang  public managers ng gobyerno.   Sa katunayan, ang pagpili bilang Marcos admin  officials ay base sa  merito at kakayahan na magampanan ang kanilang  government functions.   Sa idinaos na Public Leaders’ Summit (PLS) ng Career Executive Service Board (CESB) noong nakaraang linggo, sinabi ni Executive Secretary Victor […]

  • Delivery rider, 1 pa kulong sa 470K shabu sa Caloocan

    MAHIGIT P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang delivery rider na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.     Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District […]