• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas roster, malakas ang laban – coach

Malaki ang tiwala ng coaching staff ng Philippine men’s basketball team na may ibubuga ang isasabak nilang line-up kontra sa Indonesia para sa kanilang laro sa unang window ng FIBA Asia Cup qualifiers.

 

Ayon kay Gilas Pilipinas interim coach Mark Dickel, hindi raw naging madali ang pagpili sa komposisyon ng team dahil marami silang bagay na ikinonsidera.

 

Paliwanag pa ni Dickel, magiging sandigan ng Pinoy cagers ang PBA players na kanilang napili, na aayudahan naman ng limang mga batang manlalaro.

 

“It was not an easy team to pick,” wika ni Dickel. “We had numerous combinations that we could have gone with, and in a few positions, we felt like we had covered it with some young players so they had an advantage thinking towards the future.”

 

Kasama sa linya ang mga Gilas stalwarts na sina team captain Kiefer Ravena, kapatid nitong si Thirdy, CJ Perez, Poy Erram, Roger Pogoy, at Troy Rosario.

 

Mabibigyan din ng tsansa ang mga bagong salta na sina Abu Tratter, Justin Chua, Dwight Ramos, Isaac Go, Juan Gomez de Liaño, at Matt Nieto.

 

Nabaklas naman sa listahan ng final 12 si Rain or Shine star Javee Mocon, na nahanay lang tatlong reserve kasama sina Jaydee Tungcab at Rey Suerte.

 

Sumalang pa sa dalawang practice ang Gilas bago lumipad pa-Indonesia ngayong araw (Biyernes), bago ang kanilang game sa araw ng Linggo, Pebrero 23.

 

Sinabi ni SBP president Al Panlilio, tiwala sila na mangingibabaw ang koponan sa nasabing torneo dahil halos lahat ng mga manlalaro ay bata.

 

“Our unit is one that features balance between youth and experience as we have seven PBA players, six of whom already have international basketball experience,” sabi naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio sa isang pahayag. (REC)

Other News
  • Dahil lang sa pagpapalit ng Instagram handler: Netizens naalarma sa tsikang may pinagdaraanan sina HEART at CHIZ

    KALAT na kalat na pati sa YouTube showbiz channels ang tungkol sa bali-balitang may pinagdaraanan daw ngayon ang mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.     Marami kasi ang naalarma sa pagpapalit ng Instagram handler ni Heart na kung dati ay buong ‘Love Marie Ongpauco-Escudero’, ngayon ay ginawa na lang niya itong ‘Love Marie’. […]

  • Landslide victory kina BBM, Sara asahan

    TULOY ANG pagbabalik sa Malacañang ni da­ting senador Ferdinand “Bongbong” Marcos dahil sa inaasahang “landslide victory” kasama ng kanyang running-mate na si Davao City Mayor Sara Duterte.     Sa “partial at unofficial tally” mula sa transpa­rency server ng Comelec dakong alas-7:32 kagabi na may 98.09% ng Election Returns, nakakalap na ng 31,036,142 boto si […]

  • [ALAM N’YO BA? NI REY ANG] MGA EXTRATERRESTRIAL BEINGS (ALIEN), NILALANG RIN NGA BA NG DIYOS?

    TUNAY namang nakagigimbal sa lahat ng aspeto, lalo na sa mundo ng relihiyon, kung sakaling matuklasan (o aminin na ng gobyerno) na tunay ngang may mga nabubuhay na nilalang sa ibang planeta sa malayong kalawakan.     Isa sa labis na maaapektuhan ng nasabing pangyayari ay ang mga relihiyong  Kristiyanismo sapagkat ayon sa Christian belief […]