Gilas, sa Qatar na tutungo para sa February window ng FIBA qualifiers
- Published on January 30, 2021
- by @peoplesbalita
Idaraos na sa Doha, Qatar ang mga laro ng Gilas Pilipinas para sa ikatlo at huling window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifier.
Kung maaalala, napilitan ang Pilipinas na umatras sa hosting ng mga laro ng Group A at C sa Clark, Pampanga dahil sa travel ban na ipinataw ng pamahalaan.
Ayon kay Al Panlilio, presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, hindi mababago ang petsa ng mga laro ng Pilipinas ngunit makikipag-ugnayan pa rin sila Qatar Basketball Federation para sa final schedule.
“We would have loved to host Groups A and C in Clark but things beyond our control made it necessary to adjust our plans and we thank everyone for their flexibility,” saad ni Panlilio sa isang pahayag.
“The games will be played within the same timeframe but we’ll be communicating with the Qatar Basketball Federation for the final schedule as there might be necessary adjustments since they are now hosting 12 teams,” dagdag nito.
Kasama ng Pilipinas sa Group A ang Korea, Thailand, at Indonesia.
Maliban sa Group A, sa Doha na rin gaganapin ang mga laro ng Group B na kinabibilangan naman ng Japan, China, Chinese Taipei, at Malaysia.
Nakatakda namang gawin ang huling window ng qualifiers mula Pebrero 17 hanggang 23.
-
‘Never-say-die spirit’ buhay na buhay – Cone
MARAMI ang nag-akalang hindi maidedepensa ng Barangay Ginebra ang kanilang korona dahil sa pagiging No. 6 team matapos ang elimination round at ilang injuries sa mga key players. Ngunit noong Biyernes ng gabi ay muling tinalo ng Gin Kings ang Meralco Bolts sa championship series para pagharian ang PBA Governors’ Cup sa ikaapat […]
-
Halos 300 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Valenzuela
HALOS 300 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang naganap na sunog sa isang residential area sa Valenzuela City, Linggo ng madaling araw. Sa nakalap na ulat sa Valenzuela City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:20 ng madaling araw nang biglang sumiklab ang sunog sa residential area sa Sagip St., Brgy., Arkong […]
-
Barcena kampeon sa WVMC half-marathon
NAGBIDA ang beterana ng 2019 Berlin Marathon na si Nhea Ann Barcena sa kampanya ng mga pambato ng National Masters and Seniors Athletics Association of the Philippines (NMSAAP) Team na akreditado ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), sa kakaarangkada lang na 1st Worldwide Virtual Masters Challenge (WVMC) 2020. Pinamayagpagang 38-anyos, may taas […]