• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GINANG HULI SA PABAHAY SCAM

INARESTO sa isang entrapment operation ang isang 52-anyos na ginang matapos nangikil ng pera sa kanyang biktima kapalit ng isang unit ng bahay sa National Housing Authority (NHA) sa Naic, Cavite Lunes ng hapon sa Naic, Cavite.

 

 

Kasong Estafa thru fraud ang kinakaharap ng suspek na si Jesusa Austral y Queyquet, may-asawa ng Igahara Resort, Brgy., Calubcob, Naic, Cavite dahil sa reklamo ni Cristal Jane Lacsa y Libres, 21, dalaga  at stay in sa  Barracks, Sitio Walong Butas, Brgy., Calubcob, Naic, Cavite.

 

 

Sa ulat ni PSSgt Rodrigo Veloso III ng Naic Police Station, dakong alas-3:16 kamakalawa ng hapon nang inaresto ang suspek sa aktong tinatanggap nito ang bayad para umano sa “prioritization” sa kanyang aplikasyon sa pabahay sa Brgy Ibayo, Silangan, Naic, Cavite.

 

 

Nauna dito, December 28, 2021 nang binigyan ng biktima ang suspek ng P10,000 kapalit ng pangakong magkakaroon siya ng isang unit na bahay ng National Housing Authority (NHA) sa Brgy Calubcob, Naic, Cavite.

 

 

Gayunman, noong January 20 ng kasalukuyang taon nang napadaan ito sa LGU, Naic Cavite at tinanong hinggil sa kanyang aplikasyon ng pabahay at dito niya natuklasan na walang awtorisasyon ang suspek para mag-process nito.

 

 

Nitong February 13, nakipagkita ulit ang suspek sa biktima at humihingi ulit ng karagdagan P6,000 para umano sa prioritization ng kanyang aplikasyon sa NHA. Sinabi ng biktima na tatawagan ito kung magkakaroon siya ng pera.

 

 

Dito na nakipag-ugnayan ang biktima sa pulisya kung saan ikinasa ang entrapment operation sa Brgy Ibayo, Silangan, Naic Cavite kung saan naaresto ang suspek sa aktong tinatanggap nito ang boodle money. (GENE  ADSUARA)

Other News
  • Panukala ng NFA, mag-angkat ng 330,000MT ng bigas

    PLANO ng National Food Authority (NFA) ng mag-angkat ng  mahigit sa  330,000 metric tons (MT) ng bigas para punuin ang  buffer stock  ng bansa  bilang paghahanda sa mga inaasahang kalamidad.     Sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ipinanukala ng NFA  ang importasyon ng 330,000 MT ng bigas “to cover an […]

  • MAVY LEGASPI, gustong maka-loveteam si KYLINE ALCANTARA

    Para sa 46th birthday ni Donita Rose noong nakaraang December 5, nag-organize ito ng isang photoshoot kunsaan may glam team pa na nag-ayos ng kanyang make-up, buhok at isusuot.   Na-miss raw ni Donita ang ganitong klaseng photoshoots, lalo noong panahon na nagsisimula pa lang noong 1989 at nung maging sikat siyang VJ ng MTV […]

  • NAVOTAS MULING NASUNGKIT ANG UNMODIFIED OPINION MULA SA COA

    SA ika-siyam na magkakasunod na taon, muling nasungkit ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang “unmodified opinion” mula sa Commission on Audit (COA) na binibigyang-diin ang hindi natitinag na pangako ng lungsod sa financial transparency and accountability.         Natanggap ni Mayor John Rey Tiangco nitong Lunes ang ulat ng COA mula kay Percival […]