• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginang, mister huli sa aktong nag-aabutan ng shabu sa Valenzuela

SA KULUNGAN ang bagsak ng dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang ginang matapos maaktuhan nag-aabutan ng shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 6 commander PLt. Armando Delima ang mga nadakip bilang sina Angeline Timosan, 53, at Rolando Tesorero, 54, construction worker at kapwa ng I. Marcelo St. Brgy. Malanday.

 

 

Sa imbestigasyon ni PCpl Glenn De Chavez, habang nagsasagawa ng anti-criminality operation (Oplan Galugad) ang mga tauhan ng SS6 sa pangunguna ni PLt. Delima dakong alas-11 ng gabi nang maaktuhan ni PSMS Roberto Santillan si Timosan na may iniabot kay Tesorero na isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu sa Alley corner I. Marcelo St., Brgy. Malanday.

 

 

Nilapitan ni PSMS Santillan at Pat. Ronnie Sandoval ang mga suspek saka inaresto kung saan narekober sa kanila ang isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasa P2, 040 ang halaga, isang folded aluminum foil na naglalaman ng hinihinalang shabu, P200 cash, coin purse at ID.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • 17-anyos football player ng Miriam College, namatay dahil sa COVID-19

    Patay matapos dapuan ng coronavirus ang 17-anyos na football player ng Miriam College na si Yana Bautista.   Kinumpirma ito ng kaniyang kapatid na miyembro ng Philippnie women’s national football team.   Sinabi nito na unang nadiagnosed ito ng Acute Disseminated Encephalomyelitis (ADEM) hanggang nagkaroon ng kumplikasyon sa COVID-19.   Agad itong dinala sa intensive […]

  • Agimat Partylist namahagi ng ayuda

    KINATAWAN ni Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist ang pamamahagi ng tig-P2,000 cash na ayuda, kasama si Mayor John Rey Tiangco sa 2,840 Navoteño college students. Nagmula ang cash aid sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. (Richard Mesa)

  • Abalos, iniwan ang MMDA

    TULUYAN nang iniwan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos ang kanyang posisyon dahil simula ngayon, Pebrero 8 ay tatayo na siyang bilang campaign manager ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.     “I would like to announce that I am resigning as MMDA chairman,” ayon kay Abalos.     Sinabi nito na naisumite […]