GINANG PATAY SA TREN
- Published on November 5, 2022
- by @peoplesbalita
NASAWI ang isang ginang nang mahagip at makaladkad nang rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Paco, Maynila Huwebes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Dahlia Barcelon y Dela Merced, 55, nakatira sa 1780 Mulawin Alley Peralta Street, Sta Mesa Maynila .
Sa imbestigasyon ng Manila Traffic and Enforcement Unit, binabagtas ni Barcelon sakay ng kanyang electronic bike ang kahabaan ng westbound ng Dr ML Carreon Street dakong alas- 6:30 kagabi nang pagsapit sa Laura Street, Railroad Crossing Paco, Maynila , nang nahagip siya ng tren na may body number na EMU 5 Del 917 patungong northbound .
Ang biktima ay nakaladkad ng ilang metro na nagresulta ng agaran nitong ikinamatay.
Dinala ang labi ng biktima sa Manila Islamic Cemetery & Cultural Hall para sa safekeeping. (Gene Adsuara)
-
PAGLALAGAY NG GREEN LANE PARA SA MAG BAKUNADONG DAYUHAN, IPINANUKALA
SUPORTADO ng Bureau of Immigration (BI) ang panukala na payagan ang mga fully vaccinated na mga dayuhan na pumasok sa bansa upang muling pasiglahin ang industriya ng turismo at buksan ang hangganan ng bansa. Sinabi ni BI Commissioner Jame Morente na sinusuportahan nila ang paglalagay ng green lane para sa mga dayuhan na […]
-
Kyrgios pasok na sa semifinals ng Wimbledon
PASOK na sa semifinals ng Wimbledon si Nick Kyrgios matapos talunin nito si Cristian Garin ng Chile. Ito ang uang Grand Slam semifinals ng Australian tennis player ng makuha ang 6-4, 6-3, 7-6(5). Ayon sa world number 40 na hindi niya akalain na makaabot pa siya sa semi-final ng Grand Slam. […]
-
DOH: ‘Arcturus’ cases sa bansa nadagdagan ng 3; local transmission mukhang posible
NADAGDAGAN pa ng tatlong kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariant XBB.1.16 o Arcturus ang nakita sa Pilipinas — ito ipinagpapalagay ng Department of Health na meron na nitong “local transmission” sa bansa. Lumalabas sa pinakabagong COVID-19 biosuriellance report mula ika-26 ng Abril hanggang ika-6 ng Mayo na nanggaling sa Western Visayas ang mga […]