• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginebra coach Tim Cone kinuhang assistant coach ng Heat sa NBA Summer League

ITINUTURING ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone bilang isang hamon ang pagkakapili sa kaniya bilang coaching staff ng Miami Heat sa NBA Summer League.

 

 

Sinabi ng beteranong coach na inimbitahan siya ng Heat sa summer league game na magsisimula sa Hulyo sa San Francisco at Las Vegas.

 

 

Magiging bahagi ito sa coaching staff ni Malik Allen na siyang mamumuno sa Summer League Team.

 

 

Bibisita lamang ng ilang araw si Filipino-American Heat coach Erik Spoelstra sa mga laro ng kaniyang koponan.

 

 

Si Cone at Spoelstra ay magkaibigan kung saan makailang beses na sila nagkita sa US noong naghahanap ng mga import si Cone sa kaniyang koponan.

 

 

Unang makakaharap ng Heat ang Boston Celtics sa Hulyo 9.

 

 

Noong nakaraang taon ay napili naman si PBA legend Jimmy Alapag na maging assistant coach ng Sacramento Kings na nagwagi ng Summer League title.

 

 

Naging bahagi rin si Alapag sa coaching staff ng Stockton Kings sa NBA G League.

Other News
  • 200 PWUD NAGTAPOS SA NAVOTAS REHAB PROGRAM

    NASA 219 people who use drugs (PWUDs) ang nakapagtapos mula sa Bidahan, ang community-based treatment at rehabilitation program ng Pamahalaang Lungsod Navotas kung saan 13 ang children in conflict with the law (CICL).     Ang dating PWUDs na sumailalim sa anim na buwan online at limited face-to-face counseling ay isinagawa ng Navotas Anti-Drug Abuse Council […]

  • Sotto at 36ers wagi sa Phoenix

    NAKABALIK sa porma ang Adelaide 36ers matapos pataubin ang Southeast Melbourne Phoenix, 100-92, kahapon sa 2022 National Basketball League (NBL) season sa Adelaide Entertainment Center sa Adelaide, Australia.     Nakapagtala lamang ang 7-foot-3 Pinoy cager na si Kai Sotto ng 4 points at 5 re­bounds para sa 36ers.     Hataw si Daniel Johnson […]

  • Canvassing of votes ng Presidente, VP ikinasa ng Senado, Kamara

    NAGPULONG  na ang mga Senador at Kongresista sa isasagawang pagha­handa para sa canvassing ng boto ng Presidente at Bise Presidente na gaganapin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso umpisa sa Martes, Mayo 24 hanggang 27.     Sina House Secretary General Llandro Mendoza at mga opisyal ng Senado sa pangunguna ni Senate Secretary Atty. Myra Marie […]