• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginebra target si Anthony; Mariano, Balanza itatapon sa Batang Pier

Asam ng Brgy. Ginebra na masungkit ang kampeonato sa 45th season ng PBA na Philippine Cup sakaling matuloy ang pagbubukas ng pro-league sa Oktubre o Nobyembre.

 

Sa umuugong na usap-usapan sa pagitan ng NorthPort Batang Pier at ng crowd favorite Brgy. Ginebra, target umano ng Gin Kings na makuha ang kalibre ni Sean Anthony kapalit nina Aljon Mariano at rookie Jerrick Balanza.

 

Naudlot ang usapang trade ng Ginebra at NorthPort sa palitan nina Greg Slaughter at Christian Standhardinger noong isang taon na inaasahang matutuloy ngayon dahil sa kakulangan ng malaking player ng team ni coach Tim Cone para maging katuwang ni Japeth Aguilar sa loob ng court.

 

Si Anthony ay napasama sa All Defensive team noong isang taon at nahirang na “defensive player of the year.”
Bagama’t 6’4’’ lamang ang height nito, maasahan naman ito sa rebound, perimeter shot at may pusong die-hard na angkop sa kalidad ng Ginebra na nagustuhan ni Cone.

 

Loaded pa rin naman sa gwardiya ang Gin Kings gaya nina Scottie Thompson, Stanley Pringle at L. A Tenorio kaya pwedeng magbawas ng player.

 

Ayon sa insider, matagal nang pinag-iinteresan na makuha ng Batang Pier itong si Balanza na nanguna noong 2019 sa kampeonato ng Letran Knights.

 

Si Balanza ay alaga ni NorthPort team manager Boni Tan sa Letran habang si Mariano ay ‘di na rin bago sa diskarte ni coach Pido Jarencio na naging player nito sa UST Growling Tigers.

Other News
  • Cascolan ‘no comment’ sa possible extension sa kanyang termino

    NO comment si PNP Chief PGen. Camilo Pancratius Cascolan sa posibleng pagpapalawig ng kanyang termino matapos ang kanyang mandatory retirement sa darating na November 10,2020.   Ayon kay Cascolan, hindi pa sila nagkakausap ng Pangulo tungkol sa kanyang nalalapit na pagreretiro, na limang araw nalang mula ngayon, pero ano man ang desisyon ng Pangulo ay […]

  • Ads March 16, 2022

  • PBBM, pinasalamatan ang mga Pinoy sa Singapore

    PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Filipino sa Singapore sa kanilang nag-uumapaw na suporta sa nakalipas na May 9 national elections.    Nakuha ni Pangulong Marcos ang mahigit sa 36,000 boto ng mga Filipino workers sa Singapore o tatlong beses na kalamangan sa kanyang katunggaling si dating Vice President Leni Robredo.   Sa […]