• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GLAIZA, magko-concentrate sa dalawang international films dahil tapos na ang lock-in taping ng ‘Nagbabagang Luha’

MUNTIK na palang mahimatay si Glaiza de Castro sa isang matinding eksena sa GMA Afternoon Prime teleserye na Nagbabagang Luha.

 

 

Kinuwento ng aktres na dahil naapektuhan siya sa kinukunang mabigat na eksena, bigla raw siyang hindi makahinga nang maayos.

 

 

“May isang eksena na hindi talaga ako makahinga. As in naninikip ‘yung dibdib ko kasi may isang eksena doon na sobrang bigat tapos kinikimkim ko kasi ‘yung gusto kong sabihin.

 

 

So, nakapikit lang ako for like 30 minutes tapos kinakalma ko ‘yung sarili ko until nag-calm na rin ‘yung nerves ko.”

 

 

Nagpapasalamat si Glaiza na naging maganda ang pag-guide sa kanyang ni Direk Ricky Davao sa mga mabibigat na eksena. Gusto raw niyang bigyan ng sarili niyang interpretasyon ang role na Maita na unang ginampanan ni Lorna Tolentino sa 1988 original movie.

 

 

“Hindi lang si Direk Ricky ang gusto kong pasalamatan kundi pati ang buong cast and crew dahil sa dedikasyon nila sa project na ito. Kahit na inabot kami ng ilang buwan bago matapos, walang nabago sa level ng energy tuwing babalik kami for the lock-in taping.

 

 

“Bilib ako sa energy ni Rayver Cruz, sobrang animated kasi siya, malaki ‘yung mga galaw niya tapos mahilig siyang magpatawa. Si Mike Tan naman iba naman ‘yung humor niya, mga simpleng hirit pero nakakatawa.

 

 

Si Claire Castro naman, siya ang bunso namin sa taping. Parang magkapatid na talaga kami at nakakabilib ‘yung pinakita niyang acting considering na ito ang unang teleserye niya.”

 

 

Dahil natapos na taping ni Glaiza, puwede na siyang mag-concentrate sa dalawang international films na gagawin niya.

 

 

Isa rito ay ang produced ng Canadian Film Society at ididerek ng isang Filipino-Canadian filmmaker. Yung pangalawa ay gagawin sa Korea kung saan makakasama niya ay mga Korean actor.

 

 

***

 

 

SA wakas at nagkita na rin sina Heart Evangelista at Richard Yap na magtatambal sa GMA teleserye na I Left My Heart in Sorsogon.

 

 

Kalat na sa social media ang photoshoot na ginawa nilang dalawa para sa promotion ng teleserye.

 

 

Maraming netizen ang kinilig kina Heart at Richard dahil bagay na bagay silang dalawa. Para raw silang mga artista sa isang Korean telenovela.

 

 

Nasabi noon ni Richard na sa Zoom story conference ng teleserye pa lang niya na-meet si Heart. Ngayon ay bukod sa nagkita na sila, nagkayakapan pa sila sa ginawang pictorial.

 

 

Sey ng ibang netizen na kung hindi lang daw happily married ang dalawa, malamang na ma-develop sila sa isa’t isa. Pareho kasi silang may dugong Chinese at galing sa de buena familia.

 

 

Celeste Estrellado ang ginagampanan ni Heart na isang fashion designer and socialite. Si Richard ay si Tonito Wenceslao III. Ang isa pang leading man ni Heart ay si Paolo Contis na gaganap as Mikoy.

 

 

“Your greatest love was made to be great so the memories could last a lifetime,’ The story of ‘us,’ Mikoy and Celeste, for ‘I Left My Heart in Sorsogon.’ Soon on GMA!” post ni Heart sa social media.

 

 

***

 

 

MULING nagbalik ang pagiging kikay ni Miley Cyrus pagkatapos magpakatino ng ilang taon.

 

 

Nagbabalik si Miley sa pamamagitan ng promotion niya ng kanyang bagong merchandise line na pink muscle shirts na may nakalagay na “Miley Cyrus made me realize I am gay,”

 

 

Pinost ni Miley sa Instagram ang photoshoot niya na pantless sa ibabaw ng truck ng kanyang amang si Billy Ray Cyrus.

 

 

“IDK what @billyraycyrus is gonna be more pissed about! Me making a shirt that says ‘I  D—k’ or crawling all over his truck in my @gucci heels! Speaking of Daddy’s [sic] ask yours for 35 bucks and get the new ‘Miley made me gay’ merch on Shop.MileyCyrus.com!,” caption pa ni Miley.

 

 

Bukod sa pink shirt, binebenta rin ni Miley ang white long sleeved shirt na may drawing ng female genitals for $45.

 

 

Ang portion ng proceeds mula sa sale ng mga shirt at napupunta sa sinusuportahan ni Miley na Happy Hippie, isang non-profit organization na tumutulong sa mga LGBTQ and homeless youth.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PDuterte, nais na masampahan ng patung-patong na kaso ang mga kurakot na opisyal ng Philhealth

    DESIDIDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sampahan ng patung-patong na kaso ang mga kurakot na opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).   Kaya nga, independent o hiwalay ang Ombudsman sa binuong Task Force Philhealth ng Malakanyang na nagsasagawa rin ng imbestigasyon sa talamak na anomalya sa ahensya.   Ayon kay presidential spokesper- son […]

  • Pinay Muay Thai athletes nagbigay ng 1st gold medal para sa PH

    UMEKSENA rin nitong araw ang Women’s Wai Kru Mai All-Female event ng Pilipinas matapos magbulsa ng gold medal.     Ang team ay binubuo nina Islay Erika Bomogao at Rhichein Yosorez na nakapagtala ng score na 8.68.     Samantala, nauwi naman sa silver medal ang kampanya ng Fencing Women’s Team ng Pilipinas na kinabibilangan […]

  • DAGDAG KAPAPASIDAD SA SIMBAHAN PARA SA VACCINATION WALANG PINAG-USAPAN

    WALA umanong napapag-uasapan kung may kahilingan ang  Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na dagdagaan ang kapasidad ng mga simbahan  para sa vaccination program ng pamahalaan.   Ayon kay Manila  Vice Mayor  Honey Laguna-Pangan sa ginanap na virtual forum ng Department of Heatlh (DOH) , ang napag-uasapan lamang aniya ng pamahalaang lungsod ng Maynila […]