GM TAI pinangunahan ang inspeksyon ng proyekto sa pabahay; inagurasyon ng tanggapan ng NHA sa Navotas
- Published on February 18, 2025
- by Peoples Balita
PINANGUNAHAN ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai, ang inspeksyon ng Arkong Bato Housing Project sa Lungsod ng Valenzuela upang matiyak ang kalidad at napapanahong pagtatapos ng proyekto.
Matatagpuan sa loob ng lungsod, ang Arkong Bato Housing Project ay sumasalamin sa dedikasyon ng NHA sa in-city development. Ang proyekto ay nakalaan para sa mga pamilyang naninirahan sa mga mapanganib na lugar, kabilang ang mga nasa baybayin ng Ilog Tullahan.
“Alinsunod sa ating programang Build Better More (BBM) Housing at sa direktiba ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para makamit ang isang Bagong Pilipinas, atin pong sinisigurado na ang mga pabahay na itinatayo ng NHA ay de-kalidad at malapit sa mga pampublikong pasilidad,” ani GM Tai.
Pagkatapos ng inspeksyon na sinamahan ni Assistant General Manager Alvin S. Feliciano, pinangunahan din ni GM Tai ang inagurasyon at seremonya ng paggugupit ng laso para sa bagong Tanggapan ng NHA-NCR-North Sector sa Brgy. North Bay Boulevard South, Lungsod ng Navotas.
Ayon kay GM Tai, ang bagong opisina ay isang mahalagang hakbang upang mas mailapit sa publiko, stakeholders, at mga benepisyaryo ang mga serbisyo ng NHA, at matiyak na mas madali nilang maa-access ang mahahalagang programa, suporta, at iba pang kinakailangang mapagkukunan.
“Ipinatayo po natin ang gusaling ito upang mas lalo pa nating mailapit sa publiko’t benepisyaryo ang mahusay at maaasahang serbisyo ng NHA,” diin ng GM Tai. (PAUL JOHN REYES)
-
Face-to-face classes, depende kay PDu30 – Briones
Nanindigan si Education Secretary Leonor Briones na ang pagbubukas ng School Year 2020-2021 ay tuloy sa August 24 kahit pa walang face-to-face instruction. “We cannot go beyond that because of the requirements of a law that is not yet amended or repealed as of now,” paliwanag ni Briones sa online press briefing sa Oplan […]
-
First time nilang nagkasama sa isang movie: JASMINE, na-challenge dahil si JOHN LLOYD naman after PIOLO
“FIRST time physical,” bulalas ni Jasmine Curtis-Smith sa partisipasyon niya for the first time sa face-to-face event ng QCinema International Film Festival 2024. “Very happy! Tuwing nagiging parte ng film festival parang feeling ko isa siyang malaking party for filmmakers. “Kasi bukod sa nagtatrabaho naglalaro din, you’re able to explore more and see […]
-
COA, pinuna ang DOH sa ₱3B na hindi nagamit na COVID-19 response funds
PINUNA ng Commission on Audit (COA) ang Department of Health (DOH) dahil sa hindi nagamit na ₱3-billion unobligated funds para sa pangagasiwa sana at pagtugon sa COVID-19 pandemic noong 2022. “Of the ₱3.055-billion unobligated funds, ₱2.414 billion lapsed and was reverted to the Bureau of Treasury,” ayon sa komisyon. Ang lapsed […]